Chapter 4
November 10 Saturday 7:15 am
Say it again for me...
Cause I love the way it feels...
When you are telling me that...
I'm the only one that blows your mind...
Say it again for me...
It's like the whole world stops to listen...
When you tell me you're in love...?
Say it again...
I can hear this girl singing. Her voice makes me so light inside that it feels like I'm floating in air. Then I saw her face, so beautiful so gentle. I start to reach out to touch her face....
Tok tok tok. Nagising ako bigla dahil may kumakatok sa pinto. Parang weird nun panaginip ko pero ang gaan ng feeling ko. Yung boses na yun ay dun sa mystery girl na nakita ko kagabi. Pati boses niya ay nasa utak ko, LSS na ako dun sa pagkanta niya. And her beautiful face is also in my mind. Grabe, iba ang impact sa akin ng girl na yon.
Tok tok tok, bigla kong naalala na may tao pala sa labas. Inabot ko yung cellphone ko at tinignan ang oras. 7:15 am pala, arrgh, di talaga ako morning person.
"Tantan, gising ka na ba?" sabi ng tao sa labas ng pintuan habang kumakatok.
Si Maggie pala yung kumakatok. Bumangon na ako at sinabing "Kagigising ko lang."
"Pwede bang buksan mo yun pinto?" pakiusap ni Maggie.
Dali dali naman akong tumayo at dahil boxer shorts lang ang suot ko at nagbihis ng short at white shirt habang sinasabing "Sandali lang, one minute."
Pumunta ako agad sa lababo, naghilamos at nagmumog. Kahiya naman kay Maggie kung parang bagong gising ang itsura ko.
Tapos nun ay tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Then I saw Maggie, she looks pretty as usual. Naka sky blue siyang blouse at naka short shorts na white. Naka ponytail din yung mahaba niyang buhok. Yung mga kamay niya ay nasa likod niya halatang may dala siyang ayaw niyang ipakita sa akin.
"May I come in?" tanong niya.
"Sure, good morning Maggie." Bati ko naman sa kanya.
"Good morning Tantan." Pumasok siya at umupo siya sa dulo ng kama ko. Pilit pa rin niyang itinatago yung bagay sa likod niya.
"So, Maggie what's up?" tanong ko at umupo rin sa tabi niya.
"Papunta na kasi ako sa restaurant for breakfast. Tapos naalala kita na di ka morning person. Baka hindi ka makapagbreakfast." Paliwanag ni Maggie.
"Ganun ba? Thanks for remembering. Hindi talaga ako morning person. Hehehe..." sabay tawa ko ng mahina.
"Naalala ko ko kasi yung kinuwento ni Alaric na tuwing may biyahe kayo ang hirap mong gisingin sa umaga." nakangiti niyang sabi.
"Talagang ikinuwento pa ni Ric yun. Nakakahiya naman."
"Ano ka ba? Okay lang yun. Meron talagang mga taong di sanay sa gumising ng umaga." sabi ni Maggie na nakangiti pa rin.
Okay, I got to admit that what's she's doing is sweet. Magandang simula naman ito sa birthday ko na makita ang magandang presence ni Maggie. Like I said before, I enjoy her company.
"Oo nga pala, Happy Birthday!!!" sabay abot sa aking nung bagay na kanina pa niya itinatago sa likuran niya.
"Wow, thank you. Nagabala ka pa." Sabi ko naman na medyo nabigla.
"You're welcome. And its my pleasure na magbigay ng gift sayo kasi last year di ko naman nagawa." Paliwanag niya.
"O buksan mo na. I hope that you will like it." Tuloy pa niya.
Dali ko naman binuksan yung regalo niya para sa akin. At nang matanggal ko yung wrapper ng regalo ay nakita ko ay copy ng The Perks Of Being A Wallflower ni Stephen Chbosky ang laman.
"Teka, paano mo nalaman na gusto ko ng copy nito?" taka kong tanong.
"Well, tinanong ko si Alaric last month. Tapos sabi niya lagi mo raw tinitignan sa bookstore yang librong yan. Kaya yan ang binili ko." paliwanag uli ni Maggie na parang tuwang tuwa.
"I love it. Tagal ko nang gustong basahin ito kaso di ako makapagdecide kung ano ang una kong bibilhin na book. Thank you uli." pasasalamat ko.
"No problem." sabi niya habang nakatitig siya sa akin.
And before I know it ay lumapit ang mukha ni Maggie sa akin tapos ay hinalikan niya ako. Nagulat ako, di ako nakakibo sa ginawa niya. Still can't believe that Maggie's kissing me right now kasi sa tagal namin na nagdate ay walang kahit anong nangyari. Ayokong magtake advantage sa feelings niya para sa akin na di ko naman mareciprocate. Magaling humalik si Maggie at ang lambot ng lips niya. Pero wala akong maramdaman na kakaiba as in wala. Siguro di talaga siya yung babaeng na will make may heart skip a beat.
After a minute ay tumigil na siya nilayo ang mukha niya sa akin. I can see the sadness in her eyes nang marealize niya na I really don't feel the same.
"I'm sorry. I shouldn't have done that." at pinipigilan niya tumulo ang luha.
"It's okay. Walang kaso sa akin yun." sabi ko agad.
"No, nakakahiya. Di ko talaga dapat ginawa iyon. Pero alam ko na alam mo na I really like you. Minsan nga sa tingin ko nga in love na ako sayo." sabi niya at tuluyan na siyang umiyak.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Ang laki naman kasi ng problema ko, bat kasi di ako madevelop kay Maggie. She's more than enough para akin. Maganda, mabait, sweet. Pero sadyang may mali sa puso ko. Ewan ko ba, ang laki talaga ng problema ko sa sarili ko.
Tapos ay niyakap ko si Maggie. Sinusubukan kong patahanin siya.
"O tahan na. Katulad ng sabi ko kanina wala yun." habang hinahaplos ko yung buhok niya.
Tapos ay hinalikan ko sa noo. After 5 minutes ay tumahan na rin siya at kumalas sa pagkakayakap ko. Pinupunasan niya ang kanyang mukha at inaayos ang sarili.
"Thank you sa pagcomfort mo sa akin. Again, I'm deeply sorry talaga." wika niya ng mahina.
"Ano ba yun. Wala yun. Isipin mo na lang na panaginip ang lahat. Hehehe" assurance ko sa kanya.
Ngumiti si Maggie at sinabing "Okay, panaginip na lang yung nangyari."
"Pero infairness, magaling kang humalik Margaret Bernardo." pabiro kong wika.
Bigla niya akong pinalo sa braso ng mahina. "Ikaw talaga, pero friends pa rin tayo di ba?"
"Oo naman, always. I'll always here for you, Maggie."
"Pagamit naman ng CR, nasira tuloy ang ayos ko." tawa pa niya. At pumunta niya siya dun.
After 7 minutes ay lumabas na siya. Maayos na uli para bang walang nangyari at di siya umiyak.
"O paano, una na ako. Sunod ka na lang dun." habang papalabas siya ng room ko.
"Sige, shower lang ako tapos habol na ako sa breakfast." tugon ko.
"Bye Tantan at happy birthday uli" tapos umalis na siya at isinara ang pinto.
Okay, that's a peculiar way to start my birthday. Pero di na man ako nagsisisi sa nangyari. In fact, I enjoyed what happened between me and Maggie. At the same time, I'm relieved that we came to an understanding na rin na friends lang talaga kami. I really hope that she will find someone who will love and respect her. Cause I know she deserve that much.
Tumingin ako sa cellphone ko. 7:40 na pala kaya kinuha ko ang towel ko at dumeretso sa banyo para maligo. Well, today's me and my twin's birthday, maraming pwede pang mangyari.

BINABASA MO ANG
Sunrise
DragosteTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.