Chapter 19
October 12 Sunday 12:00 pm
Dali dali akong bumaba at tumungo sa outdoor dining area. Gusto kasi ni Mom na pagmaganda ang panahon ay dun kami kakain. Presko daw kasi at ang ganda ng ambience.
Pagdating ko dun ay nakita ko sina Alaric at Althea. Lumapit ako kay twin bro at niyakap siya. Tapos ay kay hipag naman ako lumapit at niyakap ko din siya.
"Asan na ang pamangkin kong gwapo?" tanong ko kay Thea.
"Ayun nakaupo sa baby chair niya. Ang likot likot na nga niyan eh." kuwento ni Thea.
Pinuntahan ko ang pamangkin ko sa baby chair niya. Binuhat ko siya at hinalik halikan.
Siya ay si Dastan Castiel Acueza, ang 1 year and 2 months old son nina Alaric at Althea. Kamukha siya ni kambal pero yung kutis at mata ay galing kay sister in law. Napakabibo at makulit. Habang hinahalikan ko ang tiyan ay tawa ng tawa.
"Tristan, payakap naman sa apo ko." sabi ng isang boses.
Nakita ko si Dad na lumabas ng house. Lumapit ako sa kanya at ibinigay si Dastan. Niyakap ko rin siya.
Okay na ang relationship ng Dad ko. Naguusap na kami at kahit papaano ay maayos naman. Alam kong di kami magiging close katulad ni Alaric pero masaya na din ako dahil cordial na kami. Masaya siya para akin dahil nareach ko daw ang potential ko.
"Good afternoon, Dad." bati ni Alaric sabay yakap sa father namin.
"Good afternoon, Dad." bati naman ni Althea at halik kay Dad.
Tuwang tuwa naman si Dad sa kanyang unang apo habang buhat buhat ito. Tawa lang tawa si Dastan, napakamasayahin talaga ng pamangkin ko.
"Okay, settle down. Paki tulungan naman kunin yung mga pagkain sa kusina." utos ni Mom.
So sumunod kaming dalawa ni Alaric kay Mom sa kusina. Nakita namin si Yaya Linda, ang yaya namin ni kambal since we were little.
Nilapitan ni Alaric si yaya at niyakap ito.
"Yaya, musta na? Okay ka lang ba?" tanong ni twin bro.
"Okay naman. Kaso na miss ko na buo ang kambal ko." sabi ni yaya kay Ric.
"Teka, yaya di ka masaya na nandito ako?" kunwaring tampo ko.
"Siyempre masaya rin pero mas masaya kung pareho kayong nandito." sabi pa niya.
Tapos sabay namin ni Alaric na niyakap si yaya.
Nakita kong nakatingin si Mom sa amin. Ngumiti siya at sinabihan si Ric na yakapin din namin si Mom. Kaya kumalas kami kay yaya at niyakap ang mother namin.
"My boys, sige tama na baka magkaiyakan pa tayo. Kunin niyo na yung pagkain para makapaglunch na." sabi ni Mom.
Nakita ko yung mga pagkain. May yang chow rice. morcon, chop suey, fried chicken, iced tea and leche flan.
Nakita ni Alaric na nakatingin ako sa leche flan "Hoy Tris, wag mo agad kainin yung leche flan. Magiwan ka sa akin."
Isa isa naming dinala ang mga pagkain sa outdoor dining area. Nakahanda na yung mga placemats, spoons, forks, glasses at tissue.
Dinala ko yung yang chow at leche flan at inilapag malapit sa akin. At naiayos din ang mga pagkain sa lamesa. Umupo na kaming lahat.
"Let's say grace first." paalala ni Mom.
Nagdasal kami at si hipag ang namuno. Nang matapos ay nagsimula na kaming kumain.
Kumuha ako ng lahat ng nakahanda. Iba pa rin ang luto ni Mom.

BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.