3

47 2 0
                                    

Unang araw ng klase, may flag ceremony sa school grounds. Required mag-flag ceremony ang lahat ng estudyante sa buong unibersidad kapag unang araw ng pasukan. Kasamang umaawit ni Precious ang gabundok ng mga estudyanteng hindi nya pa nakikita sa buong buhay nya. Lahat nang mukha ay bago sa paningin. Wala syang kakilala ni isa.

Kumakanta pa sa unang stanza ng pambansang awit si Precious nang biglang kumiliti nanaman ang kakaibang sensasyon. Napanganga sya. Sinubukan nyang bigkasin ang salitang gustong sabihin ng bibig, "Ta...la...ta...ma...ta..." Pero hindi nya alam kung tama nga ba ang mga pinagsasasabi. Hanggang sa nilakasan nya ang boses. Walang makarinig sa tinig nya dahil nilulunod ito ng naglalakihang speaker kung saan tumutugtog ang minus-one ng Lupang Hinirang. Sandali pa't natapos din ang kanta at nagsasalita pa rin si Precious na nakapikit na ang mga mata, "Ta! La! Ma! Ta! Ma! Mi! La!". Napansin nya ang palihim na tawanan ng ibang mga estudyante. Napatigil sya sa sinasalita at napamulat. Nahiya nang kakaonti nang malamang mukha syang engot sa pinaggagawa. 


***

Simula noon hindi na natanggal sa bibig ni Precious ang kakaibang sensasyon kapag nasa eskwelahan. Nawawala lang ito kapag umuuwi na ng bahay, o kapag malayo sya sa unibersidad. Naging mahirap sa umpisa para kay Precious ang ganitong sitwasyon. Ikaw ba namang magkaroon ng ganitong karamdaman sa bibig na hindi mo alam kung ano na bang nangyayari at hindi mo alam kung anong klaseng sakit o dis-order ang dumapo sayo. Pero kalauna'y nasanay na rin si Pres. Pinipigilan nya sa tuwing maduduwal sya kapag nasobrahan na ang nararamdaman sa bibig. Ayaw nya nang maasar ng mga babae nyang kaibigan na nagdadalang-tao.


***

Isang beses, sa classroom, noong nagiging normal na lang sana sa kanya ang lahat, di maipaliwanag ang biglang paglakas ng sensasyon. Hindi na lang sa bibig ang may kakaiba kundi pati na rin sa dibdib nya, malakas ang kabog. Hindi nya na kaya, hindi nya na makontrol. Maduduwal na sana sya nang biglang may kumausap sa kanya.

"Ikaw yung paharang-harang dun sa Student affairs office 'di ba?"

Napigilan ni Precious ang pagkaduwal at napatingala sa nagsalita, si Bartolomeo. 

Si Bartolomeo itong nakikita nyang may kakaibang hangin ang utak sa klase nila, unang araw pa lang ng pasok. Magaspang paminsan-minsan ang ugali kaya hindi pinapansin ni Precious. Matalino rin kagaya nya, conflict sa wavelength ng utak pag nagkataon ang turing nya kay Bartolomeo, kaya ayaw nya itong maging ka-close. Pero ito ngayon ang nasa harap nya at nasa pinakamataas na lebel ng sensasyon ngayon ang nararamdaman ng bibig nya. Bad timing si Bartolomeo. Hindi alam ni Precious kung ano ang gustong maarok na salita ng mga labi, pero nahanap na nga ba nya kung sino ang taong gusto nyang pagsabihan nito? Napaisip si Pres, ano naman kaya ang salitang gusto nyang sabihin kay Bartolomeo? Ga...ga...Gago? Tarantado? U...u...uchangina mo 'wag mo ko kausapin? Walang kung ano-ano, may lumabas sa bibig ni Precious, "Lumayo ka sakin," yung mahina lang, yung langgam lang ang makakarinig.

"Ha?" di naintindihan ni Bartolomeo. 

"Ha?" sagot ni Precious. 

"Ano sabi mo?" pagtataka ni Bartolomeo. 

"Wala, wala. Ahahaha," natawa na lang si Precious sa nadulas na salita. Pero alam nyang hindi ito ang gustong sabihin ng bibig nya. Alam nyang hindi ito ang pinapahiwatig ng kakaibang sensasyon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TALAHAMIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon