[ with ILLUSTRATIONS ]
"Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya.
...
Simula noon araw-araw na silang nagkakamustahan sa kung ano na nga bang lagay ng mga bibig nila, kung may sumulpot na bang ibang mga letra. Di kalauna'y nagpakita na ang letrang "L" kasabay ng letrang "A". Ilang linggo pa't sinundan ito ng letrang "H", at nagdagsaan na ang mga letrang "A", "M" at "I".
Kasabay ng pagtuklas ng mga letrang gustong bigkasin ng mga bibig ang lalong paglalim ng pagkahulog nila sa isa't isa. Nagkaroon ng pagsandal sa balikat. Ang pagsandal sa balikat ay nadagdagan ng paghawak sa braso. Ang paghawak sa braso ay unti-unting nauwi sa paglilingkisan ng mga daliri. Ang paglilingkisan ng mga daliri ay nauwi sa paghahawakan ng kamay. Ang paghahawakan ng kamay ay minsan nang humantong sa pagyayakapan sa mga pribado at tagong lugar. Maramdaman lang na may buhay na puwersang bumabalot sa katawan ng isa't isa ay ayos na. Solb na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.