15

10 0 0
                                    


Nang mapansin ni Juan na ayaw magpahalik ng dalaga sa labi, kinuha nya ang isang kamay nito, hinimas-himas, saka inilagay sa mga hita nya, may gusto atang ipahawak si Juan. Doon na nagmulat si Precious, nag-aalala ang ekspresyon ng mukha. Wala man sa sarili, dali-dalian nyang inalis sa hita ng binata ang kamay, ayaw pa ring paawat ni Juan sa paghalik sa leeg at pisngi ni Pres. Sa mga oras na iyon, unti-unti nang naglaho ang kapansanan ni Pres sa bibig. Wala na ang kati, wala na ang pagkaduwal, nawalan na ng kulit ang salitang Talahamik.

Gumapang ulit sa bewang ng dalaga ang kamay ni Carlos, pumisil-pisil muna ito hanggang sa ini-angat na nang kakaonti ang damit, pagpapahiwatig na gusto nyang pumasok. Nakatulala lang si Precious, nasa isip pa rin ang nagpakita sa kanyang Talahamik at asul na lalaki. Durog pa rin ang puso. Parang may nawala sa pagkatao nya. Pakiramdam nya'y may kulang.

Hindi na nakapag-antay si Juan Carlos. Ipinasok nya ang kamay sa damit ng dalaga. Sabik na sabik na syang lapastanganin ang mga yaman na iniingat-ingatan at pinakatatago-tago ni Precious. Parang ahas na dahan-dahang gumapang ang kamay nito papataas. Nakaabot sya sa bra, hinawakan nya ang babang bahagi nito. Biniyayaan si Precious, isa pang angat at luluwa na kaagad ang malulusog na hinaharap nya.

Parang dagang kumaripas papalabas ng damit ang kamay ni Juan Carlos, iaangat na sana ni Juan ang panloob nang biglang magpumiglas si Precious.

Bumalik na sa ulirat si Pres, nagkatitigan sila ni Juan, may pagmamakaawa sa mga mata ng dalaga. Tinignan din sya ni Carlos at ngumiti...paunti-unti. Hahalikan nya na sana ang labi ni Pres kaso biglang umiwas ito. Nainis si Juan at niyakap ang dalaga ng mahigpit. Ramdam ni Precious ang pagkainis ni Juan, masakit at agresibo ang yakap nito, may halong galit na nagpapahiwatig na 'Akin ka, sumunod ka sa gusto ko'. Wala nang pagpipigil, inilabas na ni Juan Carlos ang pagkamanyakis. Nilantakan nya ulit ang leeg ni Precious. Aggresibo.

Si Precious, nagpupumiglas at pilit na kumakawala sa pagkakayakap sa kanya. "Juan Carlos..." panlalaban nya na nagpapahiwatig na tama na, na hindi nya na gusto ang nangyayari.

Ilan pang pagpupumiglas ay nagalit na talaga si Juan, "PUTA KA! Sige na!" tunog asawang abusado ang tono ni Juan na hayok na hayok nang matikman ang katawan ng dalaga.

Nagpantig ang tenga ni Precious, hindi nya alam kung saan sya nakakuha ng lakas, pero buong tikas syang kumalas sa pagkakayakap ni Carlos at sabay tulak sa kanya papalayo. Ramdam na ramdam ni Carlos ang pagkatulak sa kanya, tulak na nagsasabing ayaw sa iyo ng isang tao, na nandidiri sayo, na ipinaramdam na wala kang kwenta.

Namumula si Carlos, nasa mukha pa rin ang kalibugan at inis dahil hindi nakuha ang gustong makuha. Binigyan sya ng huling titig ng maluha-luhang mata ni Precious bago ito tuluyang tumayo at naglakad patungo sa pintuan papalabas ng condo.

Papahawak na sana sya sa door-knob nang magsalita si Juan, "Mahal kita..." tonong nagmamakaawa, na huwag syang umalis.

Nagpantig nanaman ang tenga ni Precious. Kauna-unahan nyang narinig sa isang tao ang salitang matagal nya nang gustong matuklasan, at dito sa pa taong ito nya maririnig ang salitang ito. Pero alam nya sa sarili, hindi ito totoo, isa itong kasinungalingan. Hindi ito para sa kanya. Kasinungalingan ang salitang ito na para lang sa katawan at puri nyang gustong makuha ni Juan Carlos.

Pero muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko nang naglakad pabalik si Pres sa sofa kung saan nakaupo pa rin si Juan.

Ngumiti nang unti-unti ang gagong Carlos, "Mahal kita..."

Gusto kong pigilan si Precious sa mga oras na ito. Na dapat lumabas na sya. Na simula't sapul ay hindi na dapat sya pumunta sa lugar na ito. Pero wala akong boses na maaaring marinig ni Pres sa mga oras na ito. Wala akong magawa.

"Mahal kita..." ulit ni Carlos, nakangiti, naghahanda na ang kamay para yakapin ulit ang dalaga.

Ilang hakbang at makakabalik na ulit si Pres sa sofa.

"Mahal kita..."

Precious. Umalis ka na. Bumalik ka sa pintuan. Lumabas ka na!

"Mahal kit-"

*PAKHHGH!* 

Halos matanggal sa leeg nito ang mukha ni Carlos. Nag-init ang pisngi niya na para bang binuhusan ng asido sa hapdi. Isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Precious sa kanan nyang kamay. Bumanda sa buong condominium ang lutong ng sampal.

Sa isang buga ng hininga, pinadampi at pinaramdam nya kay Juan Carlos ang sakit ng kasinungalingang pagmamahal na sinasabi ng malibog na binata.

Hindi magawang hawakan ni Carlos ang pisngi. Mangiyak-ngiyak ito sa sakit. Tinignan nya si Precious at nag-umasta syang galit, inilisik nya ang mga matang nagtutubig na sa sakit. Pero hindi nasindak ang dalaga. Nakatitig lang din ito kay Carlos. Titig na mapanghusga, titig na nagsasabing ito na ang huling beses na gagawin mo sakin ang kababuyang ito, ito na ang huling beses na makakausap mo ako.

Napa-atras si Precious sa susunod na nangyari, biglang tumayo si Juan sa pagkaka-upo at akmang dadakmain sya, imbis na tuluyang masindak ay buong puwersa na inipon ni Precious ang lakas sa kanang paa at isinipa ito sa bayag ng binata. Halos maduwal si Juan Carlos sa sakit ng pagkakatadyak sa kanya. Bumagsak sya sa sahig habang hawak-hawak ang muntik nang mabasag na ari. Naging matinis ang malalim nyang boses na parang biik na kinakatay.

Kasabay ng pagpatak ng luha ni Juan, ang sya namang paglabas ni Precious sa pintuan. Habang naglalakad ay ipinangako nyang hindi na kailanman babalik sa lugar na ito at kakalimutan na ang lahat ng bagay na namagitan sa kanila ni Juan Carlos.

 Habang naglalakad ay ipinangako nyang hindi na kailanman babalik sa lugar na ito at kakalimutan na ang lahat ng bagay na namagitan sa kanila ni Juan Carlos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TALAHAMIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon