"Gusto sana kitang ipakilala sa parents ko," tatlong araw pa lang na panliligaw, ito na kaagad ang gustong gawin ni Juan Carlos.
Nagspace-out si Pres bago nakapagsalita, "Hindi ba...ang bilis ata masyado? Nanliligaw ka pa lang.
"Nakukwento na kasi kita kina Mama at Papa," tinanggal muna ni Carlos ang salamin bago humigop sa kape. "Gusto ka na raw nilang makita."
Maganda namang makilala ang mga magulang ni Juan Carlos, kaso nabibilisan nga lang si Precious. Dapat nga'y mga magulang muna ni Pres ang makilala nya, dahil ito ang nanliligaw sa kanya at dapat ding magpaalam ito sa kanila. Pero hindi lang talaga siguro sanay si Pres. Mas sanay syang itinatago na lang ang relasyon sa mga magulang hanggang sa malaman na lang isang araw. Minsan naman hindi na nalalaman, dahil nagbreak na pala.
Kinakabahan lang din talaga si Precious, kailangan pa ba talaga iyon? Wala syang lakas ng loob magpakita sa mga magulang ni Carlos. Unang beses nya ito kung sakali, dahil hindi naman sya pinakilala ni Bartolomeo sa mga magulang nito dati, at hindi rin naman niya pinakilala si Meo sa Nanay at Tatay nya kahit na medyo mahaba-haba rin ang naging relasyon nila. Nagbalak din naman sila kaso nga heto't naghiwalay dahil sa—
"Ano? Payag ka?" unti-unting ngiti ni Juan Carlos.
Napa-iling na lang si Pres habang papahigop sa kape, "Sige," sabay ngiti, kahit di sigurado.
"Kelan mo gusto?"
"Bukas na bukas din," bahala na.
"Ang bilis mo masyado Precious!"
Nagtawanan sila.
"Saan pala?" kung saang lugar sila magkikita ng mga magulang ni Juan Carlos ang tinutukoy ni Pres.
Na-excite bigla si Carlos, "Sa bahay. Victorino, sa may Mandaluyong. Papasahan kita ng Google Map kung paano makakapunta doon. At wag muna bukas, kahit sa Saturday na lang. Para walang trabaho," wednesday ang araw na ito.
"Sige, Saturday," humigop ng kape si Pres para mawala ang umuusbong na kaba. "Libre ko na muna ang kape ngayon."
BINABASA MO ANG
TALAHAMIK
Romance[ with ILLUSTRATIONS ] "Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya. ...