[ with ILLUSTRATIONS ]
"Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya.
...
Panandalian nilang kinalimutan ang kung ano mang karamdaman ang mayroon sila. Ngayong nasa panlimang taon na sa kolehiyo, naging abala ang dalawa, lalong-lalo't eto magtatapos na.
Mga pagsusulit, iba't-ibang proyekto, at thesis ang kumuha ng atensyon nila sa buhay. May pagkakataong hindi na nakakatulog sa gabi. May pagkakataong hindi na nila magawang mag-usap. Wala namang nagtatampo sa kanila, naiintindihan nila nang lubos ang sitwasyon ng isa't isa.
Dahil sa magkaklase, palagi naman silang nagkikita sa eskwelahan. Palagi namang sabay kumain at sabay ring umuwi. Naihahatid panaman ni Meo si Pres sa bahay nila. Pero paminsan-minsan din ay naiiwan si Meo sa eskwelahan para asikasuhin ang mga tugon o meetings sa Student council, pinapauna nya nang umuwi si Precious kapag ganoon ang nangyayari. Paminsan-minsan nama'y nauuna nang umuwi si Precious dahil may pasok pa sa fast-food chain na pinagtatrabahuhan. May pagkakataong hindi na sila nagkakausap sa telepono o nagkakachat man lang sa facebook. Pagod na pagod na siguro sa gawain sa pang araw-araw at tanging paghiga na lang sa kama ang nagagawa ng katawan pag-uwi.
Minsan na ring kumain mag-isa si Bartolomeo sa canteen at ganun din si Precious. Minsan na rin silang hindi nagkibuan sa classroom. Unti-unting nawala ang mga yakap. Hindi na minsan naulit ang paghahawakan ng kamay. Madalang na lang ang paglilingkisan ng mga daliri. Nawala na rin ang paghawak sa braso.
Ang pagsandal sa balikat ay tuluyan nang naglaho. At kahit kailan ay hindi na naulit ang mainit na halik.
Hindi sila galit sa isa't isa. Kagaya nga ng sabi ko kanina, naiintindihan nila ang kung ano mang sitwasyong mayroon sila.
Walang kahit na anong tampo, walang kahit na anong pagtatanong, walang kahit na anong lungkot, walang kahit na anong luha ang nasayang. At iyon na nga ang nakakatakot sa lahat...ang wala ka nang maramdaman.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.