[ with ILLUSTRATIONS ]
"Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya.
...
Kagaya ng inaasahan, si Juan Carlos, nangungulit nanaman sa chat, gumawa ng isa pang account dahil nga nakablock ang orihinal nyang account kay Pres. At syempre mahabang paliwanag nanaman ang minessage. Hindi binasa ni Pres, syempre. Alam nyo na kung ano ang nasa dulo ng sulat. Ang walang katapusan at ang imortal na Mahal kita.
"Gusto mo makipag-usap?" ngayon lang pagbibigyan ni Pres at ngayon lang din sya nagmessage kay Juan Carlos.
*PING!*
"Pres! Oo please. Usap tayo. Magpapaliwanag ako." Reply ni Carlos.
"Sge. Bukas. Uwian." Ramdam mong walang emosyon ang pagchachat ni Pres
"Cge! Punta tayo dito Victorino ulit, para mkapgusap ng masinsinan." Alok ni Carlos.
Mabilis na nagreply si Pres, "Hinde. Hindi dyan."
"E san mo gsto?"
"Sa Coffee shop sa may Ortigas."
"Ok cge, libre ko coffee :D"
*Seen*
Ilan pang minuto ang nagtagal, napansin ni Carlos na hindi na nagrereply si Precious, "Pres?"
*Seen*
"Pres...?"
*Seen*
"Precious...Mahal kita."
*Active 1 min ago*
"Precious Mahal kita Precious"
*You can't reply to this conversation*
***
Kinabukasan. Ang bilis lang dumaan ng walong oras na pagtatrabaho, uwian na kaagad. Isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga empleyado sa kompanya. Kasalukuyan lang na nakaupo si Precious sa desk nya, nakatitig sa patay na monitor ng office desktop. Pero wala sa patay na monitor ang atensyon nito. Iniisip nya kung ano ang mga salitang sasabihin kay Juan Carlos mamaya kapag nag-usap na sila. Magkasamang alinlangan at kaba ang nararamdaman nya, sana'y masabi nya ang lahat ng bagay na gusto nyang sabihin sa binata, nang malinaw, kompleto at walang kulang.
Naluluha sa kaba si Pres. Nanlalamig ang buo nyang katawan, para bang ang lamig e nanggaling sa mga paa nito at papataas papuntang ulo. Nanginginig din ang mga kamay, marahil dahil sa aircon ng opisina.
"Ma'am, maglilinis na po ako," ang janitor na noong isang araw lang ay pinagbigyan ni Pres ng bulaklak.
Agad namang tumayo si Pres at nag-alsabalutan. "Natuwa naman ba, Kuya?" tanong nya sa janitor nang makasalubong nya ito.
"Oo ma'am, dinisplay nga po kaagad sa sala yung mga bulaklak. Kinakausap nya tuwing umaga," galak na sagot ng janitor.
Isang ngiti ang binigay nila sa isa't isa bago tuluyang lumabas ng pintuan si Precious. Nang nakalayo na nang kakaonti si Pres ay agad syang nilingon ng janitor saka tinawag, "Ineng..."
Napalingon din kaagad si Precious, "Po?"
Nag-isip muna bahagya ang matandang janitor bago tuluyang magsalita, "Hindi ka mahal no'n neng..."
Natawa bigla si Pres, yung mahinahon lang at medyo tago, pero kita ang ngiti sa mukha.
"Hindi marunong magmahal yung mga taong nagsasabi kaagad ng salitang 'Mahal kita'. Sila yung mga taong hindi alam kung gaano kahalaga yung salitang binitawan nila," dagdag ng matanda.
Nakatitig lang si Precious sa janitor, nag-aantay pa ng mga kasunod na sasabihin nito.
Hinawakan ng matandang janitor ang basurahang palagi nyang tulak-tulak, "Gusto kong wala nang bulaklak na maitatapon ulit sa basurahan ko...Ipangako mo 'yan neng."
Tumango si Pres, "Pangako po." Isa pang tango ang pinagsaluhan nilang dalawa, saka tumalikod papaalis si Pres, daladala ang ngiti at aral na binigay sa kanya ng matandang janitor.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.