17

11 0 0
                                    


Kagaya ng palagi nga nyang ginagawa, pumasok ulit ng maaga si Precious sa opisina. At hindi na nya ikinagulat kung ano man ang nadatnan sa desk. Tatlong bouquet ng bulaklak ang naroon. Ang isa ay nakalagay sa transparent na plastic na pang-bulaklak, ang dalawa nama'y nakalagay sa basket. At meron pang isang box ng cake at isang unan na hugis pusong may nakaburdang 'Mahal kita'. Pinagtitinginan si Precious ng iba nyang ka-officemate na maaga ring pumasok noong araw na iyon, may kilig sa mga mukha nila.

Ibinigay ni Precious sa mga katrabaho ang cake para pagsaluhan noong lunch break, may nagsabi pang hindi ba sya nanghihinayang at hindi nya iuuwi. Sinabi na lang nyang busog pa sya at ayaw nya muna sa mga matatamis. At kung iuuwi nya man, wala ring kakain dahil diabetic na ang mga tao sa bahay nila. Hindi nya pinahalatang may nangyaring gulo sa pagitan nila ni Juan Carlos. Ayaw nya muna ng mga tanong, ayaw rin naman nyang ikuwento kung ano ang ginawa sa kanya ng manliligaw.

May mga sulat din na nakasuksok sa bouquet ng bulaklak, binuklat ito ni Precious pero hindi na pinagkaabalahang basahin. Ang tanging umagaw lang sa atensyon nya ay ang nakasulat sa babang bahagi nito: Nagmamahal, Juanielo D. Carlos.

Noong uwian na, nakasalubong nya ang janitor ng office building, may tulak-tulak na malaking basurahan. Nagpaalam sya kung pwede ba syang magtapon sa basurahan na iyon. Pupwede naman daw sabi ng Janitor, pero nagulat ito nang makita kung ano ang itatapon ni Precious—ang mga bouquet ng bulaklak.

Tinanong sya ng janitor kung di ba sya nanghihinayang at itatapon lang nya ang mga nagyayabungang bulaklak na ito. Sinabi nyang malalanta rin naman ang mga ito.

Hiningi ng janitor ang mga bulaklak, siya na lang daw ang mag-aalaga at baka magustuhan pa ng asawa nya. Galak na galak namang ibinigay ni Precious ang mga bulaklak.


***

Kinabukasan sa bukana mismo ng building na pinagtatrabahuhan ni Pres, sa mismong pintuan ng building, naroon ang mga ka-officemate nya, nasa gitna nanaman ng crowd si Juan Carlos, may hawak nanamang gitara. Ang mga tao sa likod, may hawak-hawak na tarpaulin, may nakasulat: Sorry na, at sa baba nito: Mahal kita. Alam na siguro ng mga katrabaho ni Pres kung ano ang nangyayari sa kanila ni Carlos. Magkakantahan na sana ang mga ito nang biglang pumasok si Pres sa loob ng office building at parang aburidong iniwasan si Carlos at ang mga katrabaho. 

Lunch break. Sinubukan syang kausapin ni Carlos nang papalabas na sya ng office para kumain. Iniwasan nya ulit ito habang nagpapaliwanag ang binata.

Nang makalayo na si Pres, sumigaw nang pagkalakas-lakas si Juan Carlos, "Mahal kita!"

Natigilan si Precious pero umalis din kaagad. Nagtinginan ang mga katrabaho nila sa iskandalong naganap.

Araw-araw tinadtad ng text at chat ni Juan Carlos si Pres. Isa lang ang nilalaman ng lahat, ang paghingi ng tawad. At sa kinahaba-haba ng mga sulat na ito, palaging may nakausli sa huli ng liham na mga salitang Mahal kita.

Mahal kita. 

Mahal kita. 

Mahal kita.

Naging almusal, tanghalian at hapunan na ni Precious ang Mahal kita ni Juan Carlos. Hindi ito maalis sa isipan nya kahit sa pagtulog sa gabi. Natatakot si Precious na magkumot tuwing matutulog, dahil baka biglang sumulpot si Juan Carlos sa ilalim ng kumot nya at sabihing mahal sya nito. Kahit ultimo sa panaginip, ayaw syang tantanan ng mga boses ni Carlos na nagsasabing Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.

Ginawa na ni Precious ang lahat ng pantataboy kay Juan Carlos sa tuwing nasa opisina sila. Pero hindi pa rin nagpatinag ang binata, walang sawa pa rin sa pagsuyo kay Pres. Walang sawa pa rin sa pagbibigay ng bulaklak, cake, at sulat tuwing umaga. Straight, isang linggo, walang palya. Mahahaba pa rin ang sulat at mayroon pa ring Mahal kita sa dulo.

Nagsisimula nang magalit kay Precious ang ilan nilang katrabaho, dahil hindi man lang nya mapatawad ang binata sa kung ano mang kasalanan nito. Ang sabi pa ng iba, gwapo naman si Juan Carlos, at kung sa kanila ginawa ang paghingi ng tawad na ito ay siguradong papatawarin nila agad-agad. Ano pa ba daw ang hinahanap ni Pres? Pogi na nga, mayaman pa. Kahit hindi na raw magtrabaho si Precious e siguradong mabubuhay sya dahil sa yaman ni Juan Carlos. Tanga raw si Precious at hindi nag-iisip. Hindi raw praktikal mag-isip. Itong makisig na lalaki na ang sumusunod-sunod sa kanya, hindi nya pa masunggaban.

Feeling maganda raw. At kung ano ano pang paratang ng mga taong hindi lubos at hindi na pinagkaabalahang unawain ang sitwasyon. Hindi na inalam kung sino nga ba ang tama at kung bakit nga ba ginagawa ni Pres ang pantataboy kay Carlos ngayon.

May bali-balita ring nagsabi raw si Juan Carlos na bigla na lang nanlamig ang dalaga sa kanya. May bali-balita ring umiyak-iyak pa raw si Juan Carlos sa mga katrabaho isang beses a inuman, dahil mahal na mahal na mahal na mahal nya raw si Precious. Hindi raw maintindihan ni Juan Carlos kung bakit ayaw na sa kanya ni Pres. Sinabi nya rin daw na baka nakahanap na ng ibang lalaki. Malandi raw si Pres at wag na raw pag-aksayahan ito ng panahon ni Juan Carlos, sabi ng mga katrabaho nila.

Pero sa kabila ng mapanghusgang mga taong ito, hindi nawalan ng kakampi si Precious. May mga katrabaho pa rin syang naniniwala sa kanya. Sa kung ano talaga ang totoong nangyari. At nagtitiwala rin sya sa inyong mga nagbabasa ngayon, dahil saksi kayo sa kung ano talaga ang nangyari.

 At nagtitiwala rin sya sa inyong mga nagbabasa ngayon, dahil saksi kayo sa kung ano talaga ang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TALAHAMIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon