PASASALAMAT

19 1 0
                                    

Sayong mambabasa ko na nakaabot hanggang sa dulo ng kuwentong ito, maraming salamat. Marami pa tayong kuwentong pagsasaluhan sa platform na ito.

Sayong mambabasa ko na simula noon hanggang ngayon e nagbabasa pa rin ng mga kuwento ko, okey ka lang? Biro lang. Salamat! *yakap at kiss sa kili-kili*.



***

Maraming salamat sayo Kamille, kung hindi dahil sa ilang oras nating pag-uusap noong nakaraang buwan, hindi ko maiisip ang konsepto ng istoryang ito.

Hindi bulaklak at tsokolate ang ibibigay ko sa iyo sa pangatlong anibersaryo ng relasyon natin. Ayoko sa mga bulaklak, nalalanta lang sila. Atsaka baka maging diabetic ka pa sa tsokolate, aba! ayokong mangyari 'yon, syempre! (Pero wala lang talaga akong pambili).

Ang ibibigay ko ay ito, itong kuwentong ito. Ang bawat tauhan, ang bawat tagpo, ang bawat letra, ang bawat pantig at ang bawat salita.

Walang tsokolate ang makakatumbas sa kwentong ito. Mas kakaiba ang tamis na naibibigay nito na hindi ka bibigyan ng kahit na anong sakit.

Walang kahit na anong bulaklak ang makakatumbas sa mga pahina ng kuwentong ito. Hindi malalanta kahit kailan ang kung anong aral man ang nakapaloob dito, dahil habambuhay na itong nakatanim at patuloy na uusbong sa puso at kasuluk-sulukan ng kaluluwa mo.

At sa muli, sisikapin nating dumating sa panahong masasabi na natin sa isa't-isa ang salitang "Mahal kita."

Sa mga kaibigang patuloy na sumosoporta at nagbabasa ng mga kalokohan ko, Salamat. Lalong-lalo na kina Sergio, Joel,  J-Anne, Venice, Patricia, at Tristan.

At syempre, maraming salamat sa walang kapantay at ang tanging walang hangganan ang pagmamahal, sa Diyos.

Hanggang sa muli nating pagkukwentuhan!

Ngayong alam mo na ang salitang gusto mong banggitin, kanino mo naman ito karapat-dapat na sabihin?




Inumpisahang isulat noong: Setyembre 3, 2017 8:05 n.g


Natapos nitong: Oktubre 14, 2017 1:39 n.m.a


Nirebisa nitong: July 27, 2020



Cavite, Pilipinas




TALAHAMIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon