[ with ILLUSTRATIONS ]
"Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya.
...
Entrance exam sa kolehiyo. Matapos mapagtagumpayan ni Precious nang mag-isa ang final thesis noong highschool—at ang iba pang gawain na naganap noon, nakagraduate sya na maraming nakuhang gantimpala. Naging best ang thesis nila sa best thesis ng taon sa eskwelahan. Kaya walang dudang mataas din ang gradong nakuha nya sa College entrance exam.
Natigilan si Precious habang tinitignan ang mga sagot nyang tumama sa exam, naramdaman nya ulit ang kakaibang sensasyon. Parang may gusto ulit syang banggitin na salita. Hindi nya alam kung ano ito, pero parang nasa kadulu-duluhan na ng dila. Kinabahan sya nang lumakas nang lumakas ang pakiramdam. Binubuka nya na ang bibig. Di nya pa rin maarok kung ano ito. Maya-maya lang ay—
"Miss excuse po."
Napatingala si Precious sa lalaki, hindi nya kaagad naintindihan kung ano ang sinabi nito. Nagkatinginan sila nang mga ilang segundo bago bumalik sa ulirat si Pres, "Ah...pa...pasensya," tumabi si Pres sa pintuan ng student affairs office na kanina pa pala nya natatakpan. Daliang pumasok ang lalaki, kasabay ng pagkawala unti-unti ng kakaibang sensasyong nararamdaman nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.