[ with ILLUSTRATIONS ]
"Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya.
...
Mga tila dagang nagdaanan ang mga sem at pati na rin ang 2nd year at 3rd year college. Abala si Bartolomeo bilang Student council president ng unibersidad nila. Abala naman si Precious sa pagpapabuti pa lalo ng pag-aaral at ngayong road to Magna Cum Laude na sya. Bukod dito'y naging working student din si Precious sa isang fast food chain. Umayon naman ang schedule nya sa pag-aaral at pagtatrabaho, pero hindi talaga maiiwasang maubusan ng lakas ang dalaga sa pagsasabay ng mga gawain.
Sa kabila noon may misteryosong sensasyon pa rin silang nararamdaman sa mga bibig sa pagpapatuloy ng buhay. Humupa nang kakaunti ang kati at pagduwal na naidudulot nito. Ubos na nilang bigkasin ang kahit na anong salita na nagsisimula sa mga letrang nagparamdam sa kanila. Wala pa rin. Hindi pa rin nila matagpuan ang eksaktong salita, ang misteryosong salita na sa tingin nila'y makapag-aalis sana ng misteryosong pakiramdam sa bibig at kanilang mga dila.
"K," bigkas ni Precious.
"K," sang-ayon ni Bartolomeo.
"Talahami-k?" tanong ni Pres
"Talahamik..." pagtataka ni Meo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alam nila na tapos nang magsi-datingan ang mga letra, sigurado iyon. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Hiligaynon? Bisaya? Pangasinense? Ilonggo? Griyego?
"Nagsearch ako sa Google, walang lumabas na kahit anong meaning ng ganung salita. Wala rin talaga atang ganoong salita," kasalukuyang nirerebisa ni Precious sa laptop ang isang proyekto
Tahimik lang si Meo, nag-aayos ng schedule ng mga programa ng Student council. Ilan pang sandali at nagsalita na sya, "Ang sa tingin ko e balang araw malalaman din natin yang salitang yan. Yung mga letra nga kusa na lang dumadating di ba?"
"Pero ang tagal e, Magtatapos na tayo, nandito pa rin tong kapansanan natin."
"Magpacheck-up na tayo?" alok ni Meo
"Tara," sang-ayon ni Pres.
"Biro lang..." bawi ni Meo.
"E kung ingud-ngud na lang natin tong mga labi natin sa isa't isa? Baka mawala yung kati," biro rin ni Precious na half-meant.
"Oo nga ano! Ba't di natin kaagad naisip yun dati? No? No?" nginunguso ni Meo ang mga labi.
Nagtawanan silang dalawa at natahimik din bigla nang maalala nilang bawal nga palang mag-ingay sa library. Saka sila bumalik sa mga sari-sariling gawain.
Napasulyap si Meo kay Pres, "Tara kahit isa lang," seryosong sabi ni Meo habang nakanguso.
Nakanguso na rin si Pres, "Nganguuu ka."
Bumalik ulit sila sa mga gawain.
Biglang napa-isip si Meo, bigla rin syang bumalik sa inaasikaso. Pero kinikiliti pa rin sya ng iniisip, hanggang sa di na sya nakapagpigil at sinabi na ito, "Gago...gago...gago..." wika nya na parang may gustong ipahiwatig.