Kylie's POV
"Sometimes you have to give up including forgetting some things, Kylie. Let your true feelings be released, para hindi masyado masakit." I wish I could do that.
Binitawan niya ako at umalis ng walang pasabi, lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang bell kaya't umalis na ako at dumeretso sa first class ko.
"Hi Ms. Genius! good morning"
"Musta bakasyon ate?"
"Whoooo!panlaban namin yan!!"
Pagpasok ko sa classroom yan ang bungad sa akin ng mga kaklase ko, hindi ko iyon pinansin at umupo na lang sa aking upuan dahil wala sa aking gawa gawang diksyunaryo ang makipagkaibigan, though may dalawang babae na tinitiis ako. Walang pang ilang minuto ay pumasok na ang aming guro.
"Good morning class, I'll be your teacher in Biology at alam niyo naman na siguro ang rules ko?" meet the Ms. Vivian or students call her Ms. Villain, siya ang nag-iisang guro sa Aurora University na biglang may surprise quiz AS IN surprise, siya na daw ata ang pinaka-nakakatakot na kontrabida sa buong school.
"Nasaan ang A3?!" galit na tanong niya sa amin, hinahanap niya ang magpipinsang Anderson ang kilalang Bad Boy ng school dahil bukod sa ang mga magulang nila ang may hawak ng school kilala sila bilang bully ng school nobody wants na banggain sila.
"Aba't lunes na lunes ay tinamad nanaman sil-.." biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang A3 sa pangunguna ni Kiefer Alexander Anderson na sinundan nina Xander Adrian Anderson at Zian Albert Anderson. Meet the A3 ang mga dakilang hambog ng school..
"Nandito lang naman kami Ms. Villain ehh, namiss mo naman ata kami masyado." Bungad agad ni Xander. Kahit kailan talaga.
"Shut it Xands." walang emosyon na tugon ni kiefer at umupo na sila sa kani-kanilang upuan
"Hi Kylie! miss us?" you wish. Inirapan ko si Zian at bumaling nalang kay Ms. na nagsisimula nang magturo.
Yes! Katabi ko ang tatlo, biruin mo sa dinami dami ng upuan laging kung na saan ako umuupo. Nakita kong sulyapan ako ni Kiefer ngunit di ko ito pinansin.
Ikaw ba talaga yan Kiefer?
After class...
Naglalakad ako papuntang cafeteria upang kitain ang napakagaling kong kuya nang may makabangga ako, in short binangga ako.
"Look who's here girls!" Pinulot ko ang mga gamit ko at tumayo at nagsimulang maglakad, hindi pa man ako nakakalayo ay may humila na ng buhok ko.
"Anong karapatan mong talikuran ako?" hindi ko siya sinagot at pilit na kumawala na nagawa ko naman. Seriously, kailan niya ako balak tantanan?
BINABASA MO ANG
Change of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISION
Teen FictionKylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings are. Her heart was frozen, and only one man could melt it with a blazing power. He's her sole compa...