Kylie's POV
Nakatulog ako ng maayos pero ganun pa rin ang bigat na nararamdaman, binilinan ako ni Tita Sky na wag muna pumasok pero tumanggi ako dahil Exam week na. Binigyan niya nalang ako ng gamot na iinumin at mamaya ay pupunta din ako sa ospital dahil bilin din iyon ni Tita Sky...
Lumabas ako ng kwarto, kasabay ko si Kiefer na lumabas, tinitigan ko siya akmang tatalikod na siya ng yakapin ko siya. Niyakap niya naman ako ng mahigpit agad at hinagod ang likod ko...
"I'll give you time para mapag isa, and I'm sorry about kay Andy" sambit niya, tumango lang ako sa kanya...
"Thank you" bulong ko...
"No problem" sambit niya...
Sabay kaming bumaba, nang makita si Kuya ay nag iwas agad ako ng tingin at umupo sa tabi ni Kiefer...
"Good Morning, Daddy, Mommy, Tita Tito. Ang dami" sambit ko natawa naman sila Mommy ng konti...
"Morning too, mauuna na kami ni Andrew at may meeting pa kami" paalam no Daddy, akmang tatayo na siya ng tumayo ako at yakapin siya...
"I'll be using my car, Dad. I'm not mad at you and Mom, I just need time so as Kuya..." bulong ko, tumango si Daddy at nagpaalam na...
"Kylie, do you want something later?. Lily and I will make some dessert later, last day na nila dito eh" nakangiting sambit ni Mommy pero halatang pilit...
"My favorite, Mom" nakangiti kong sambit, tumayo ako yumakap kay Mommy para mag paalam na...
"I love you, always remember that" bulong ni Mommy...
"I love you too, give me and Kuya time to adapt and adjust ourselves. Lalo na si Kuya, Mom" sambit ko at nagpaalam na, ganon din sila Kiefer at Kuya...
Halos sabay din kaming tatlo na pumunta sa garahe...
"Kylie..." tawag ni Kuya, pero pumasok na ako sa kotse...
I'm sorry, Kuya...
Nakarating agad kami sa school, sinalubong kami nila Janelle pero mapait na ngiti lang ang ibinigay ko. Kita ang pagtataka sa kanila pero hindi na sila nagsalita pa...
Nag simula ang Exam, kung ako ang tatanungin madali kaso sa dami ng mga tanong maiinis ka talaga. Halos maubos ang enerhiya ng utak ko ng dumating ang lunch...
Kapag exam week, walang break na nagaganap lunch lang. Sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria, tuwing magkakatinginan kami ni Kiefer he's giving me a smile. Nandoon na si Kuya nang makarating kami, hindi na ako pumunta sa counter dahil ang bilin ni Tita Sky ay mas mabuting puro gulay muna ang kainin ko...
Sa buong lunch ay tahimik lang ang lahat, nang matapos ay bumalik na kami. Ganon ulit ang exam, buti nalang at nag aral ako ng maigi dahil masyadong mahirap...
BINABASA MO ANG
Change of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISION
Teen FictionKylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings are. Her heart was frozen, and only one man could melt it with a blazing power. He's her sole compa...