Kylie's POV
"Girl!, malapit na kaming matapos dito kayo dyan ni Kiefer?" Tanong ni Janelle habang tinatapos ang pagdedecorate...
"Malapit na!" Sigaw ko, tinatapos namin ngayon ang pagdedecorate sa cafeteria. Almost 3 hours na din kaming nag aayos, maya-maya ay break na.. dahil uuwi na din ako mamaya nasa kotse na ni Kiefer ang mga gamit ko, idederetso niya na ako sa bahay...
"Done!" Sabay sabay naming sigaw.. wow...
"C'mon let's eat" yaya nila...
Umupo na kami sa table namin, wala munang napunta sa counter dahil ramdam pa ang pagod sa katawan...
"Dyan na lang kayo, kami na ang oorder" sambit ni Zian, tumango lang kami bilang sagot...
Hindi ko pa nakikita sila Ate Elaine o kaya si Trisha, wala pa sa isa sa mga guest ang nakikita namin. Tahimik sa cafeteria dahil halos kami pa lang ang nandito maya-maya pa naman talaga ang break, pero dahil gutom at pagod na kami eh mauuna na kaming kumain...
"Grabe nakakapagod" medyo hinihingal na reklamo ni Rhom...
"Weekend naman na bukas kaya okay lang" sambit ni Janelle...
Nagpatuloy kami sa kuwentuhan hanggang sa dumating ang tatlo, mabilis din naman kaming natapos kumain. Papunta na ako ngayon mag isa sa field, sabay-sabay kasi kami ng schedule sa pag-prapractice. Ayaw pa ngang pumayag ni Kiefer dahil maiiwan daw ako mag isa, baka daw may mangyari napilit ko naman siya na walang mangyayari...
Alam kong hindi ako kayang saktan ni Trisha dahil na rin sa huling pagkikita namin. Si Andy wala naman na akong problema masyado, hindi na kami masyadong nagkakatagpo ng landas pero nang makita ko siya kahapon, may kakaiba sa mga tingin niya...
Nagsimula na akong mag practice, nakikita ko naman na nagiimprove ang bilis ko sa weekend napag-usapan naming lahat na wala munang tatawag o mangangamusta dahil pare-pareho kaming mag eensayo...
Hindi ko ginawa ang daily practice ko, ilang beses akong tumakbo at mas lumalapad ang ngiti ko dahil pabilis ng pabilis ang pagtakbo ko. Sa ngayon ay nagbibihis na ako at pupunta sa court para hindi na ako puntahan pa ni Kiefer...
Malapit lang naman ang court kaya nakadating agad ako, nang makapasok ako nakuha ko ang atensyon nilang lahat kaya nakaramdam ako ng konting hiya, nang makita ako ni Kiefer agad siyang lumapit...
"Malapit na kaming matapos, umupo ka muna" nakangiting bungad niya sa akin at iginiya ako sa bench kung nasaan ang gamit niya...
"What's with that kind of smile?" Tumatawa kong tanong, masyadong malapad ang ngiti niya eh...
"Nothing" ginulo niya ang buhok ko "Gutom ka ba?, may snacks sa bag ko kunin mo nalang. Babalik na ako" sambit niya at bumalik na...
BINABASA MO ANG
Change of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISION
Teen FictionKylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings are. Her heart was frozen, and only one man could melt it with a blazing power. He's her sole compa...