Kiefer's POV
Nang matapos kami ay pumunta na ako kung nasaan sila Kylie, pero pagdating ko wala na si Kylie...
"Si Kylie?" Tanong ko kayla Janelle...
"Amethyst, yan ang sabi niya na sabihin sayo kapag hinanap mo siya" tumango ako sa kanya...
"Thanks"
Kylie's POV
Pabalik na kami ni Kuya sa school, nagpaalam na din sila Elaine dahil may pupuntahan pa daw sila...
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin tinatawag na Ate at Kuya sila Elaine" basag ni Kuya sa katahimikan...
"They've been gone for almost 3 years at hanggang ngayon nag aadjust pa din ako sa mga nangyayari. Aaminin ko wala nang galit sa puso ko kapag kaharap ko sila pero hindi ko pa din kayang ibalik yung dati, maybe just some time" paliwanag ko, hindi pa naman kasi talaga ako handa sa lahat...
"Paano ka masasanay kung hindi mo susubukan muli, hindi sa minamadali at pinipilit pero give them a chance Kylie" sambit ni Kuya, huminto siya dahil nasa school na kami...
"I will Kuya, just give me some time" niyakap ko si Kuya at bumaba na...
Maybe Kuya's right...
Habang naglalakad ako papunta court nakasalubong ko sila Ken, kausap ang mga estudyante mukhang nangangamusta...
"Kylie, okay ka na ba?" Tanong ni Ken...
Ilang segundo pa bago ako nakapagsalita.. kaya mo yan, Kylie...
"Okay naman na po ako, K-kuya" medyo nahihiya kong sagot, kita ang gulat sa mga mata nila lalo na kay Ken...
"T-that's good" nauutal niyang sambit...
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ate Elaine, weird konti na tinatawag ko silang Ate at Kuya ulit pero nakakagaan ng loob...
"Kylie, I miss you so much. Give us a chance please na makabawi sayo" masaya niyang sabi, yinakap ko din siya...
"I will, Ate" kumalas siya sa pagkakayakap...
"Really?!" Tumango ako, hindi pa din nagbabago napakababaw ng kasiyahan pa rin ang Ate Elaine na nakilala ko.. "Thank you so much" niyakap niya ulit ako, this time alam kong hindi lang isang tao ang nayakap dahil pati si Kuya Ken ay niyakap ako...
"Kylie" kumalas ako ng marinig ang boses ni Kiefer, lumapit ako sa kanya at niyakap siya...
"Are you fine?" Tanong niya tsaka niyakap ako pabalik...
BINABASA MO ANG
Change of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISION
Teen FictionKylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings are. Her heart was frozen, and only one man could melt it with a blazing power. He's her sole compa...