Chapter 9:Trust

96 59 3
                                    

Kylie's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kylie's POV

Lumabas na kami ng court, after ng nangyari kanina hanggang ngayon nahihiya pa din ako, papunta kami ngayon sa Hall kasi doon ang pagpapalista ng sport na sasalihan mo para sa Ausports, sila Kiefer hindi na kailangang magpalista dahil coach na nila ang naglilista sa kanila kaya ngayon siguro ang nga pinsan nito ay nakatambay o kaya nagpapacute, ako naman hindi ko alam kung nailista na ako ni Ms. kaya gusto ko ding i check, sakto naman na malapit na kami sa Hall ng makasalubong namin ni Ms...

"Ms.Lim!, ohh Mr.Anderson, your with Lim huh?" may taas kilay nitong tanong, ako naman napangiwi tinawag nanaman kasi ako sa apelyido ko...

"Kylie nalang po Ms" pag iiba ko ng usapan...

"Whatever, I already put your name on the list of students representative in track & field, take care of your health 2 weeks nalang at magsisimula na ang Ausports, and uhh it's weird to say na sa akin pa manggagaling toh pero I'm glad that you've changed a lot nang mapasama ka sa A3" yun lang at iniwan na kami, si Ms. ba talaga yun?, pero tama din naman si Ms. ang daming nagbago simula nang makasama ko ang magpipinsan, kahit ako hindi din ako makapaniwala na unti-unting nagtatagumpay si Kiefer sa pangako niya, bumalik ako sa realidad ng hilahin ako ni Janelle at Rhom bigla...

"Girl!, dali-dali!" Sigaw ni Rhom, bakit parang excited siya?...

"Oo nga dali!, exciting!" napalingon naman ako kay Kiefer, hindi ko alam pero parang may iba sa titig niya parang alam niya na...

Hinila nila ako sa isa sa mga bulletin board dito sa Hall, nang basahin ko ito may guest daw sa Ausports, hanggang sa matapos ang Ausports ay sila ang guest ng basahin ko ang mga nasa list, muntikan na akong matumba dahil sa panlalambot ng aking tuhod, naramdaman ko naman agad ang mga braso ni Kiefer na siyang sumalo sa akin...

I just saw their names on it, the two people who left me behind...the reason why I suffered alone for 3 years...

"Ken and Elaine..." I whispered to myself, I felt a tear fall from my eyes...

"Kylie!, saan ka pupunta?!" rinig kong sigaw ni Rhom, ngunit hindi ko na sila pinansin, hindi ko na kaya...

Mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng school, hindi ko na kaya alam ko sa sarili ko na kahit unti-unti na akong nakakalimot hindi pa din ako handang makita sila, hindi ko pa kayo...

Nang makarating ako sa likod ng school agad na bumigay ang mga tuhod ko at nagsimulang umiyak ng umiyak...

"Kylie, stand up" naramdaman kong hinila ako pataas ni Kiefer at inalalayang makaupo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...

"Hindi ko pa kayang makita sila, Kiefer" umiiling at umiiyak kong bulong "Anong gagawin ko?, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko" malakas na buntong hininga ang ginawa ko...

Change  of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon