Kylie's POV
Kakatanggap ko lang ng tawag kay Ate Elaine na gusto nilang gumala ulit kaming magkakaibigan, kaya inintay ko na lang si Kiefer dahil siya ang maghahatid sa akin sa mall...
Sinabi ko nang mag dridrive na lang ako pero ayaw niyang pumayag, Monday ngayon pero wala kaming pasok for 1 week dahil nagkaroon ng problema ang school...
Nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay kaya nagmamadali na akong bumaba, nang makababa ako nakita kong nag uusap sila Mommy at Kuya. Nagpaalam lang ako at lumabas na, hindi pa rin kami okay ni Kuya...
"Hi!" Masayang bati ko pag pasok ko sa kotse niya, hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako...
Pinaandar niya na ang kotse, sa Mall na lang kami magkikita kita. Si Kiefer din ang susundo, nasabi ko na yun kayla Kuya Ken...
As usual lagi akong tinatanong ni Kiefer kung kamusta ang pakiramdam ko?, nainom ko na ba ang mga gamot ko?. Nasasanay na din ako dahil simula ng malaman niya ang lagay ko, hindi niya nakakalimutang tawagan ako...
Ilang minuto lang ay nakarating na kami, bago ako bumaba ay ang dami pang binilin ni Kiefer. Isasara ko na sana ang pinto ng mag salita siya...
"Call me kapag kailangan mo ako at kung susunduin na kita" tumango "Come here, Kylie" pinabalik niya ako sa loob...
"Wha--" naputol ako ng maramdaman na nagtama na ang aming mga labi, nang magbitaw kami ay natawa ako.."You're the only one na manliligaw na nahahalikan ang nililigawan" tumatawa kong sambit...
"I know" sabay kindat, natatawa akong bumaba at nagpaalam na...
Nang pumunta ako sa meeting place ay wala pa sila, may nakita akong Ice Cream shop kaya pumunta ako don ay bumili...
Nakamasid lang ako sa apat na bata na magkaabay habang nakain, nakikita ko ang mga batang kami sa kanila. Ganyan na ganyan kami noong mga bata kami, may nagtakip ng mga mata ko dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Alam ko ang scent na yun kaya kilala ko na kung sino iyon...
"Trisha..." natatawa kong sambit, nakangiti niyang tinanggal ang mga kamay at niyakap ako...
"Still a black forest lover huh?" Natatawa niyang tanong, tumango ako...
Dumating sila Kuya Ken habang nagkwekwentuhan kami, napag usapan namin na mag skating muna kami bago kumain ng lunch. Yun ang hilig naming gawin dati kapag napunta kami sa mall...
"Hindi ka na ata marunong, Kuya Ken eh!" Asar namin ni Trisha, hindi kasi siya nagalaw pa...
Ngumisi siya at nagsimula nang gumalaw para habulin kami, napangisi naman kami sa isa't isa ni Trisha at nagsimulang magskate. Alam na kasi namin ang gagawin, Trisha is a skater kasama kami lagi kapag nagtratraining siya kaya marunong din kaming magskate. Actually mahuhusay kaming magskate...
BINABASA MO ANG
Change of Heart (Book 1) | COMPLETED | UNDER REVISION
Teen FictionKylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings are. Her heart was frozen, and only one man could melt it with a blazing power. He's her sole compa...