ISD 2

108 7 0
                                    

A S T E R

"I'm going. Belle, take care of my wife."

"Sure boss Gray" biro ni Belle at sumaludo pa. Napailing na lang ako.

Sa totoo lang ay tutol pa din ako pero wala akong magagawa. Baka isipin niya ay nililimitahan ako ang bawat kilos niya kapag pinilit ko siyang wag nalang umalis. Baka yun pa ang pagsimulan ng away naming dalawa at ayoko ng ganon.

"Aster? Are you okay? Three days lang naman ako dun e." Lumapit siya sakin at niyakap ako gamit ang isnag bisig niya. Hindi na napigilan ng luha ko na umagos.

"Umiiyak ka na naman, Mahal. Walang mangyayaring masama sakin, pangako yan. Wag ka ngang paranoid mahal."

"Ang pangako ay pangako Gray ha. Kapag nangako kang babalik ka, babalik ka."

"Yes, boss!"

"Oy! Tama na yang kakornihan niyong dalawa. Shoo!" Pagbubugaw ni Belle kay Gray.

"Tch. Belle." Sita ko.

"Fine. Tatahimik na."

"Mag-iingat ka don ha. Pag hindi maganda ang panahon, wag muna kayong umalis.'

"Opo."

"Good. Now go. I love you, okay?"

"I love you too, my Aster. So damn much." Dinampian niya ko nang halik sa labi at saka tumalikod. Ni hindi niya man lang ako nilingon bago makasakay sa chopper.

Napahinga nalang ako nang malalim.

"Gurl kumalma ka. Baka isipin ng asawa mo, baliw ka. Panaginip lang yon, okay?! At kabaligtaran ng panaginip ang nangyayari sa totoong buhay. Kalma."

"Nakakainis ka."

"Sige lang. Baka maging kamukha ko ang anak niyo. Nako, may bagong magandang nilalang na naman-----"

"Kadiri ka! Tara na nga!"

Sumakay na kami sa kotse niya at umuwi. Sa kanila muna ako tutuloy for three days dahil yon ang gusto ni Gray. Mas maganda na raw na may kasama ako para sure na safe ako. Maigi na rin yon at makakapag-practice akong mag-alaga ng baby.

Pinagmasdan ko ang 2 year old baby nina JJ at Belle na si Belrina Jillienne na abala sa panonood ng mga kiddie shows.

"What do you want for dinner?" Tanong ni JJ habang nanonood kami ni Belle ng TV

"Kahit ano nalang." Walang ganang sabi ko.

"Magpa-order ka ng sushi at ice cream. Yun daw hilig nyang kainin sabi ni Gray." Sabat ni Belle. Hindi naman ako umimik.

Miss ko na agad siya. Balik ka na Gray.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon