ISD 6

83 9 0
                                    

A S T E R

3 DAYS

3 FUCKING DAYS HAVE PASSED AND EVERYTHING HAS CHANGED.

Nakakapanibago.

Tuwing gigising ko sa umaga ay wala siya sa tabi ko. Tanging abo niya nalang ang naiwan sakin. Anong sasabihin ko sa anak namin pag nakalipas ang maraming taon?

'Anak, yung daddy mo maaga tayong iniwan'

Ang sakit lang. Dapat tanggap ko na 'to. Lahat ay nagsisimula nang bumangon mula sa nangyari pero ako nananatiling nakalugmok. Nagdudusa. Palaging umiiyak. Bago matulog at pagkagising, umiiyak ako. Walang oras na hindi ko siya naaalala. Simula nung magkakilala kami pati na ang masasayang ala-ala namong dalawa. Lahat yan naaalala ko. At lahat yan, ala-ala nalang.

"Aster, you need to eat. Kahit hindi ka nagugutom ay kailangan mo paring kumain dahil kailangan ni baby ng nutrients." Pagpupumilit ni Mommy. Sa mansion ulit namin ako nakatira. Ayokp sa bahay namin ni Gray dahil baka mas maalala ko sya ng sobra

"Mom, please. Just leave me alone"

"Kahit kailan talaga ay matigas ang ulo mo, Asteria. Ano? Gagaya ka na naman dati? Na hangga't hindi ka makakakilala ng ibang tao ay manantiling matigas ang puso mo, ganun ba? Aster, matanda ka na. Hindi ka na bata. Alam mo na ang tama at mali! For once, isipin mo naman yang batang dinadala mo! Ayaw ni Gray na nakikita kang nagkakaganyan! Ano ka ba?!"

Hindi naman ko nakaimik. Lahat sila ay ganan ang sinasabi sa akin. Halos lahat. Madalas ay naiisip kong hindi lang nila ako naiintindihan pero this time parang kailangan ko nga yatang ibukas ang sarado kong isipan.

Hindi habang buhay ay magluluksa nalang ako sa pagkawala ni Gray. May kompanya din akong nangangailangan ng presensya ko. Siguro ay kailangan ko ring libangin ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Siguro naman ay kahit sandali ay mawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas iyon. Kasabay non ay ang pag-tulo ng luha ko.

Baby, magpapakatatag si Mommy para sayo. Lalaban tayo.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago kunin ang plato kay Mommy.  Mangiyak-ngiyak naman si Mommy.

"Anak, I don't want to see you like that. Life is tough, I know. But so you are. Parang gulong yan e. Paikot-ikot. Sasaya, lulungkot, sasaya ulit tapos lulungkot din ulit. Walang permanente sa mundo, anak. Hindi pwedeng palagi kang masaya. Hindi ba't sabi mo noon ay everything happens for a reason? Nawala si Faith, dahil may magandang buhay na nakaabang sa kaniya. At nangyari yon para hulmahin ka bilang isang matatag na tao. Sana ay mas mahulma ka pa at mas maging matatag ka din ngayon. Hindi lang ikaw ang lumalaban. Pati iyang anak niyo. Walang pagsubok ang hindi natin kayang lagpasan. Lahat ng pagsubok at problema, may solusyon."

"T-Thank you, Mommy" mahinang sabi ko at niyakap siya.

Naalala ko bigla ang  palaging sinasabi ni Gray sakin noon.

"Malakas ka. Sa lahat ng taong nakilala ko ay ikaw ang pinaka-malakas. Isipin mo yun, nawalan ka ng kapatid pero nagawa mo pading patawarin ang mga taong may kagagawan non. Kaya mahal kita e. Sobrang lakas mong tao. At sigurado akong in the future, kahit gaano pa kadami at kabigat na problema ang mararanasan mo, malalagpasan mo yan. Ikaw si Asteria e. Lahat kinakaya mo."

"You're the toughest woman I've ever seen."

"I love you for being tough"

"Aster, you're tough. You're strong. You're brave. Walanh makakatalo sayo. Gaano man kalaki yan, gaano man kalakas yan, gaano man kabigat yan, mananatilii kang malakas, matapang, at matibay. At lahat yon malalagpasan mo dahil ikaw si Asteria."

Little did he know, he's the one who made me tough as I can be. At ngayong wala na siya, hindi ko alam kung paano ko pa kakayaning maging isang Asteria na palagi niyang hinahangan sa pagiging matatag, matibay at malakas.

"Eat Aster. Kapag may gusto ka pang iba, just tell me. Okay?"

"Y-Yes."

Kagaya ni Faith, alam kong masaya ka na dyan Gray. Paraiso yang kinalalagyan mo diyan at alam kong ligtas ka na diyan. Salamat sa lahat-lahat. I love you and I will always be. At yung mga sinumpaan natin sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos, gagawin ko pa din yon kahit mag-isa na lang ako. I do, and I still do.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon