ISD 60

131 9 4
                                    

A S T E R

AFTER 9 MONTHS

*DING DONG*

"May ineexpect ka bang bisita?" Tanong ko

"Wala. Ikaw ba?"

"Syempre wala. Kaya nga tinatanong kita. Baka isa sa mga chix mo yan at sabihing panagutan mo sila. Nako, kahit buntis ako kayang-kaya kitang suntukin." Banta ko. Tinawanan niya naman ako.

"Don't worry. Apat lang naman kayong babae sa buhay ko."

"APAT?!"

"Oo. Unang-una, si Mommy. Sunod si Aunt Love. Sunod ikaw at last si Hera."

"Siguraduhin mo lang."

"Promise."

"Sige na bumaba ka na at pagbuksan mo yung dumating. Susunod ako. Iimisin ko lang tong toys nung kambal."  Tumango sya at bumaba.

Nang malinis ko na ang toys ay ay sumunod na ako kay Gray at nakatigil lang sya sa may pinto.

Sino ba kasi yung dumating?

"Gray sino----oh T-Tito Greg." Nagulat ako sa nakita ko.

Gray's father.

"I-Ikaw ba ang asawa ni Gray?" tanong niya sakin.

"Ako nga po."

"Kabuwanan mo ba ngayon?" Tanong niya at sinulyapan ang tiyan

"Ah opo. Saktong-saktong dating niyo. Bukas po ay birthday na nung kambal. May party po na gaganapin. Punta po kayo ah."

"Sige, kung papayag si Gray."

"Ahh maiwan ko po muna kayo. Mukhang kailangan nyo pong mag-usap na dalawa. Pasok ho kayo."

"Salamat hija."

"Gray, papasukin mo ang Daddy mo." Umigting ang panga ni Gray habang sinusundan ng tingin ang ama na pumasok sa loob.

Galit pa din siya. Ikaw ba naman ang iwan ng Daddy mo para lang sa babae niya. He was 15 when Tito Greg left them.

"Ano pong gusto nyo, Juice or coffee?"

"Water will do."

"Okay  po." Pumunta ako ng kusina para ikuha siya ng tubig. Pagbalik ko ay saktong nagtanong si Gray sa kanyang ama.

"Bakit bumalik ka pa?" Malamig na tanong nito.

Agad kong ibinaba ang baso ng tubig at sinamaan ng tingin si Gray.

"Gray! Remember what I told you about forgiving someone??" sita ko

"Aish." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Umayos ka. Ama mo parin ang kausap mo." Banta ko. Akamang aalis na ko nang patigilin niya ko.

"Stay here. Kaillangan ko ng pangpakalma. I can't control myself when I'm without you." Bumalik ako at naupo sa tabi niya.

"Grayson, patawarin mo ko."

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba ay karapat-dapat pa kitang patawarin matapos ng ginawa mo? Iniwan mo kami ni Mommy para sa kabit mo." Napapikit nalang ako dahil bakas ang sakit sa tono ng pananalita niya.

"Anak, hindi iyan ang totoo."

"Anong tingin mo sakin? Tanga? Mulat na mulat ang mga mata ko noong misming araw na iwan mo kami. Sinundo ka pa nga ng kabit mo e. Tandang-tanda ko  padin yung mga sinabi mo kay Mommy noon. "Zia,I'm sorry but I'm leaving for good. She's the woman that i love and not you. Ikaw na bahala kay Grayson." Now tell me, do you still deserve to be forgiven?"

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon