ISD 17

74 8 2
                                    

S O M E O N E

"Nagagawa mo naman ba ng maayos ang trabaho mo?!"

"Of course. Ako pa."

"Good. Siguraduhin mong mapagtatagumpayan mo yan dahil kapag pumalpak tayo ay baka mapatay kita. Ang tagal kong inantay ang pagkakataong 'to. Wag mo sanang sirain."

"Makaka-asa ka." Napangisi naman ako.

Sisiguraduhin kong sa huli ay luhaan ka pa din, Asteria.

A S T E R

"AST----ANAK NG! BAKIT KA UMIIYAK?!" biglang dating ni Lester. Nakita niya akong nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang aking tuhod at umiiyak.

Agad siyang lumuhod at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tatlong linggo na ang nakakalipas magmula nang umamin siya sa akin tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Noong una ay nailang ako pero unti-unti na ding lumagay ang loob ko sa kaniya.

Siya yung palaging nandyan tuwing kailangan ko ng kausap at kasama. Siya yung nagbibigay sakin ng mga kailangan ko. At aaminin ko, natutuwa ako. Pero may parte pa din sa akin na parang kinakabahan.

Tatlong buwan na akong buntis. Medyo malaki na din ang tiyan ko at nakakapagtaka iyon. Masyadong malaki ang tiyan ko kumpara sa ibang 3 months pregnant. Natatakot akong baka may komplikasyon sa akin. At yun ang iniiyak ko ngayon.

"Y-Yung tiyan ko..." humahagulhol na sabi ko. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"What happened?! Let's go to the hospital---!"

"Bakit ang laki ng tiyan ko kumpara sa normal na 3 months preggy?! Huhu! May monster ba sa loob?!" Unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukha niya at napalitan iyon ng pagtawa. Agad ko siyang hinampas sa braso. Malakas ang pagkakahampas ko kaya napadaing siya.

"Bakit ka ba natawa?! Nakakainis ka namang kausap e! Pag nagkasakit ang baby ko, ipapakulong kita!"

"Hoy. At bakit mo ko ipapakulong?"

"Dahil nga nagkasakit ang baby ko at wala kang ginawa kundi ang tawanan ako! Peste ka!"

"Anak ng! Hindi ko alam na ganan pala mag-isip ang mga buntis. Fuck! HAHAHAHA!" Napaupo na din sya sa sahig sa sobrang katatawa. Napasimangot ako at padabog na pinahid ang luha ko.

"Sige tawa. Sasapakin kita." Huminto naman siya pero still, nakangisi pa din siya.

"Ilang beses mo na ba akong binantaan ng ganan pero ni isang beses ay hindi mo man lang si---- aw shit!"

"You deserve that." matigas na sabi ko at tumayo. Well, sinpak ko lang naman siya. Nanggigigil talaga ako.

Tumayo din siya at sumunod sa akin. Nakahawak pa din siya sa mukha niya.

"Feeling ko, kamukha ko na yang baby m----"

"Fuck! Hell no! There's no way taht my baby will look like you! You idiot! I don't want my child to be as stupid as you! Freak!" Inis na sabi ko. Natawa naman siya at hinila ako saka niyakap. Nang mahigpit na mahigpit.

"H-Hoy. Anuba?!"

"5 minutes."

"Ulul! Bitawan mo ko! Naiipit yung anak ko!" Nilugawan niya yung yakap pero still hindi siya lumayo.

"Every day, every hour, every minute and every second, my feelings for you were getting deeper and deeper. I'm really falling for you. Can you catch me?"

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid ko at tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso niya..at puso ko.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon