ISD 47

83 8 8
                                    

A S T E R

"I like it. It tastes good." Sabi niya. Ngumiti naman ako.

"We're always here before. Lalo na kapag magb-breakfast. Dito tayo lagi kumakain." Nakangiting sabi ko.

"Talaga?"

"Hmm. I miss those days. Yung masaya pa tayong kumaka----"

"Tapatin mo nga ako. May relasyon ba tayo dati? Am I your husband?" Para akong napako sa kinauupuan ko. Wala akong tanging nagawa kundi ang paulit-ulit na kumurap.

Naaalala nya na ba ako kahit kaunti?

"Gray.."

"Tell me." Huminga ako ng malalim

It's for you to find out.

"H-Hindi syempre. Diba s-sabi namin sayo na magbestfriend lang tayo dati." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Ok. If you say so." Sabi nya.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Nang matapos ay napagdesisyunan naman naming pumunta sa Park na madalas din naming puntahan noon. Habang nakaupo kami sa damuhan at nakatingin sa kalawakan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"B-Bakit?"

"Kwentuhan mo ko."

"H-Ha?"

"Kwentuhan mo ko tungkol sa kung paano tayo nagsimulang dalawa." Napailing ako.

"Hindi nga pwede, Gray. Magiging komplikado ang lahat para sayo kapag nagkwento ako." Malumanay na sabi ko.

"Pero Aster gusto kong maalala kung paano tayo nagsimula."

"Pero ako hindi. Kasi masakit, Gray. Masakit balikan ang nakaraan. At hindi pa ako handang ikwento sayo ang istorya nating dalawa sa ngayon dahil kay Cheska."

"My wife?"

Napapikit ako ng banggitin niyang asawa niya si Cheska.

"Y-Yes. Your wife. Siya ang nagpapagulo ng lahat."

"Why is that?" Kunot-noong tanong niya.

"Wag ka ng makulit Gray."

"Ok..kwentuhan mo nalang ako tungkol sa asawa mo."

Edi ganon din.

"Ganito kasi yan. Transferee nga ako sa University na pagmamay-ari niyo. I'm on my way to that University, biglang may nakipag-karera sakin sa daan. Ending nanalo ako so nahurt yung ego niya. Ako naman that time, sobrang yabang ko so niyabangan ko sya at mas lalong nasaktan yung ego niya. Wala na siyang maisip na paraan para gantihan ako so hinalikan niya ako. He's my first kiss, to be honest. Starting that day, we both hated each other and we became enemies. Sobrang dami pa ngang babaeng nagselos sa akin dahil sa husband ko. Idagdag mo pa si Dylan na may gusto din sakin nung panahong yun."

"Eh pano kayo naging mag-asawa? The more you hate, the more you love? Ganon?" Pagtataka niya. Natawa naman ako dahil hindi niya talaga tanda ang nangyari noon.

"Bukod pa sa kasabihang yon ang dahilan. Sa kagustuhan kasi ng Daddy ko na magbagong buhay ako since lagi akong laman ng Dean's office dahil sa ugali ko e binantaan niya ako na kapag napatawag pa ulit ako sa DO, bibigyan nya ako ng consequence. Ang ipakasal sa anak ng business partner niya. At ganon nga ang nangyari dahil napaaway ako. Ang dami ko pang pakulo kay Daddy non. Sabi ko ay may boyfriend ako which is hindi naman totoo. Nung una pinlano kong si Dylan ang ipakilala kay Daddy. Nagset si Dad ng dinner para makilala ang boyfriend ko. Pero nung araw na mismong kailangan ko si Dylan, out of town naman siya..no choice ako kundi yung husband ko ang ipakilala ko since kailangan nya din ng fake girlfriend dahil nasa iisang sitwasyon kami."

"Wait, lemme guess. Yung husband mo pala talaga ang ipapakasal sayo so natuloy talaga ang kasal niyo kasi akala nila e may relasyon talaga kayo?" Napangiti ako.

"Hmmm. Bingo! Nung una inis na inis pa ko. Sabi ko pa nga sa sarili ko non na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko sya magugustuhan. But in the end  nahulog padin ako sa kaniya. At ganun din sya. We love each other in different ways. Sobrang unexpected nung relasyon naming dalawa. After 7 years of getting married, a tragedy happened. That tragedy changed everythung between us. Now, I'm still hoping he'll come back to me."

Bumalik ka naman na e, hindi mo nga lang talaga ako naaalala.

"T-That was sad." Komento niya. Tumango-tango naman ako.

*kringg kringg!*

Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at sinagot ang tawag.

Cheska...

Ni-loudspeak iyon ni Gray at hindi ko alam kung bakit.

[Where the hell are you?!]

"Somewhere else."

[Yeah, right! Somewhere else! With my cousin?! Seriously Gray?! Ipagpapalit mo na nga lang, dyan pa sa lowclass na pinsan ko!]

Nag-aalala naman akong nilingon ni Gray. Inirapan ko nalang siya.

Ang kapal talaga ng mukha mo Cheska! Ikaw pa nagreklamo! Nasayo na nga yung dating pagmamay-ari ko! Oh well, technically pagmamay-ari ko pa din si Gray. I am the legal wife so I still have the rights!

"Will you please shut up?"

[Argh! At talagang kakampihan mo yang malandin----]

"I said shut up!"

[Ano Gray?! Nakakaalala ka na ba?! Ha? Tanda mo na ba lahat kaya iiwan mo na ko?!]

"What do you mean?"

Napangisi ako.

Labas na labas ang baho mo, Cheska.

[N-Nevermind! I'm still mad!]

"I'm just hanging out with her, okay! Nothing's wrong with that!"

[Yeah, hanging out. Without knowing that she's lowkey flirting with you! Gosh! May asawa ka na Gray at ako yon!]

"I fcking know, Cheska! Hindi ko naman nakakaliimutan yon."

Lies..

[I-I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon. Forgive me, hubby]

Hubby? The fuckk?! Ang corny ha.

"Forgiven wifey."

Gusto kong masuka.

Kadiriiiii!

[By the way, let's get married again. Since hindi mo tanda yung moments natin nung ikinasal tayo then let's renew it!]

Natigilan ako.

Now I get her plan.

Mautak ka Cheska. Sa tingin mo ba ay ganon ako katanga?! Asa kang mapakasalan mo si Gray! Hinding-hindi mo sya mapapakasalan not unless annulled kami or patay na ko.

Bigla kong naalala yung mga pinapagawa ko kay Lester.

Sht! Inaasikaso na nga pala niya yung annulment papers namin ni Gray! Crap!

"Please say no." Mahinang bulong ko.

"Yeah sure. I would love to marry you again."

Nilingon ko si Gray at bakas sa mukha niya ang saya. Bumagsak ang balikat ko.

Sumuko ka na Aster, diba? Panindigan mo.



I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon