ISD 50

102 10 7
                                    


G R A Y

Nung araw na managinip ako ay napanaginipan ko si Aster(ISD 18). Doon bumalik yung ala-ala ko. Isang araw lang akong nagka-amnesia dahil na din siguro sa lakas ng impact ng aksidente. Balak ko ng sabihin na nakakaalala na ko pero naalala ko yung mga plano nila Cheska, Denise at Lester na balak akong angkinin ni Cheska at kasabwat yung dalawa. Si Cheska ang dahilan kung bakit nakilala ni Aster si Lester. Sinadya nya lahat yon. At lahat ng impormasyong makukuha ni Lester mula kay Aster ay gagamitin niya para mapagbagsak siya at maagaw niya ko sa asawa ko.

Pero hindi ako tanga para hayaan yon kaya gumawa ako ng paraan para hindi siya magtagumpay sa plano nila. Hinayaan ko nalang si Denise since hindi naman ganon kabigat ang kailangan niyang gawin. Si Lester ang inaasahan ni Cheska sa lahat-lahat kaya naisip kong agawin din kay Cheska ang alas niya nang hindi niya nalalaman.

I payed Lester. Triple pa sa bayad ni Cheska. Ang tanging gagawin lang niya ay sabihin sakin ang plano ni Cheska. Lahat-lahat. At gaya ng nasimulan niya, sa kaniya ko ipinagkatiwala si Aster. Hangga't hindi pa nalalaman ang totoo na hindi talaga ako nakalimot. Sa totoo lang ay nagseselos ako tuwing makikita kong komportable si Aster kay Lester kumpara sakin pero choice ko naman yun.

The annulment papers, hindi talaga inasikaso ni Lester yon. Hindi kami annulled ni Aster. Pinalabas niya lang na annulled kami dahil request yon ni Aster sa kaniya. Gusto na akong palayain ni Aster pero ayoko. Kasabay pa non ay ang pagpapakasal namin ni Cheska kaya mas napadali ang plano. Nagpresinta si Lester na siya na ang bahala sa lahat at naniwala naman si Cheska without knowing na lahat ng papeles na ipinakita sa kaniya ni Lester ay fake at pinaghandaan talaga namin yon. Ang judge na nasa harap namin ngayon ay Uncle ni Lester at retired na. Sa kaniya kami humingi ng tulong kung ano-ano pang kailangan para sa fake marriage na 'to at syempre bayad din.

Sobrang tagal kong tiniis si Aster. Yung mga luha niya na nasayang at iniiyak dahil buong akala niya ay nakalimutan ko na siya. Mahirap isipin yon. Alam nyo kung gaano kasakit para sakin ang makitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Pero kailangan. Dahil gusto ko, ligtas siya. Gusto ko, ako ang lalaban kay Cheska at ipagtatanggol ko siya.

"Lester! You knew all of this?!" Galit na galit na sabi ni Cheska.

"Yes." Proud na sagot ni Lester.

"My Uncle is a retired Judge. At lahat ng papeles na pinirmahan nyo ni Gray ay peke."

"ARGHHHHH!" hinawi niya lahat ng nakapatong sa lamesa.

"YOU FOOLED ME! AKALA KO BA AY KAKAMPI KITA, LESTER! NANGAKO KA SAKIN NA KAHIT KAILAN AY HINDI KA TATALIWAS SA MGA GUSTO KO! NANGAKO KA!" Lumapit siya kay Lester at pinaghahampas ito. Agad akong tumakbo para hablutin si Aster at hilahin palabas.

Alam na naman ni Mommy lahat ng planong 'to so no need to explain to her. Sadyang nagulat lang din siya kanina.

Dinala ko sa Parking Lot si Aster at saka ko siya iniharap sakin. Patuloy padin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya kaya pinahid ko yon

"Shhh, don't cry. Totoong Gray na 'tong kaharap mo. Wala ng halong pagpapanggap---"

*PAK!!!*

"As----"

*PAK!!!*

That freakin hurts.

"Ilang buwan akong nagmukhang tanga! Alam mo ba yon?!"

"Aster I'm sorry."

"Fck your sorry! Bigyan mo ko ng magandang explanation at bakit mo ginawa yon? Bakit kailangan mo pang mag-panggap?" pahina nang pahina ang boses niya. Hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya yon..

"Ginago niyo ko! Kayo ni Lester!"

"G-Ginawa ko yun  par-----"

"Let me guess. Kagaya na naman ng dati sa issue natin nina Xy? Para makaganti ka, kinailangan mo na namang isantabi yung nararamdaman mo sakin para mapadali? Ganyan naman lagi."

"Aster..."

"Aster! Aster! Puro ka Aster! Punyeta! Kelan ka ba matututo Gray! Palagi kang ganyan! Tuwing may problema, ako lagi ang isinasantabi mo! Hindi mo man lang naisip yung nararamdaman at mararamdaman ko!" Akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya.

"Ano? Aalis ka? Lalayuan mo na naman ako? Ipapaubaya mo na naman ako?"

"Please lang, pagod na pagod na ko." Pakiusap niya.

"Susumbat-sumbatan mo ko, e ganon ka din naman! Puro ka paraya! Kahit anong sorry ang gawin ko, nagmamatigas ka pa din at papalayain mo din ako! Imbes na itama natin ng sabay yung mg kamalian, palagi mo kong iniiwan!"

"Sabihin mo yan sa sarili mo at wag sakin! Dahil ako, kahit anong pagkakamali pa yan, handa akong itama yon nang kasama ka. Ikaw lang naman 'tong parating isinasantabi ako e!"

At tuluyan na nga siyang lumayo kaya humabol ako. Niyakap ko siya mula sa likod at kahit mahirap yon dahil sa malaking tyan niya ay tiniis ko. Ramdam ko ang pag-angat ng balikat niya at rinig na rinig ko ang impit na paghikbi niya.

"I-I'm sorry. Forgive me please. Magsimula ulit tayo." Bulong ko. Dinampian ko siya ng halik sa balikat.

"Matitiis ba kita?" Tanong niya.

Napahiwalay ako sa yakap at iniharap siya sakin.

"Let's live in Canada. Dun muna tayo hanggang sa maayos na lahat." Lumuluha siyang tumango

"I love you." Sabi ko. At hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"I love you too." With that, I kissed her passionately.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon