ISD 54

117 7 6
                                    

A S T E R

5 MONTHS LATER...

Sobrang bilis ng panahon. Limang buwan na agad ang nakalilipas. Sobrang saya din nitong mga nagdaang buwan dahil sa kambal. They gave us happiness.  Kakaibang saya ang dinala nila. Mom and Dad were always visiting us same as Aunt Zia. Tuwang-tuwa sila sa kambal.

Nung unang beses nga na makita nila yung kambal nung nasa hospital pa ako ay nagulat sila dahil kamukhang-kamukha daw namin. Si Hera daw ay parang ako lang noong baby ako at sabi din ni Aunt Zia ay si Grayonne ay parang si Gray nung baby din.

We are now celebrating today since the twins are 5 months old today. So ang mga ninong at ninang niya ay nandito. Pati na rin sina Mom, Dad and Aunt Zia. Konting salo-salo lang naman ang ginawa namin dahil  a day after this, kasal na nina Ethan at Nice. The pabebe version of Tom and Jerry, ika nga ni Belle noong highschool kami. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nung magkakilala kami ni Gray.

2 months ago, we celebrated my 27th birthday and our  8th anniversary. We're  almost a decade yet we're still strong. November na ngayon at next month ay magpapasko na.

Si CJ naman, masasabi kong okay na okay na siya pero sigurado akong di parin sya nakakamove on sa nangyari kay Mori. What do we expect? He really loves her more than anything he has.

"Excited na kayo sa kasal nyo? Yunice at Ethan?" Tanong ni Mommy don sa dalawa.

"Opo. Tagal ko pong pinangarap to. Nakakatuwa lang kasi nanuna ang baby kesa kasal. Si Ethan ho kasi." Biro pa niya.

"Marupok ka din daw kasi. Konting kalabit lang ni Ethan e go na agad." Pagbibiro ni Belle at nagtawanan kami.

"Ilang months na nga pala yang si Ethal Yurize?" Tanong ni Aunt Zia.

"Eight months na po Tita."

"Oh. She's so healthy. Can I carry her? Tulog pa naman sila Hera at Grayonne e."

"Sure Tita." Inabot ni Nice si Ethal kay Aunt Zia at nilaro naman yon ni Aunt.

Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay na tawagin siyang Mommy.

"Eh sila Gray kaya? Kelan nyo balak sundan ang kambal?" Pagbibiro nila Mommy. Agad namang namula ang pisngi ko.

"Mom!"

"Aba Asteria. Hindi kami pabata. Tumatanda na kami at ang tanging gusto lang namin ay maabutan ang lahat ng magiging apo ko sainyo ni Gray."

"Baka ho mamaya, Tita" nakangising sabi ni Gray ay nakantyawan naman sila. Agad kong hinampas sa braso si Gray.

"Ikaw kaya manganak! Akala mo madali!"

"Kung pwede nga lang, aakuin ko na lahat. Alam mong ayokong nahihirapan ka." He kissed my forehead.

"Hay sana all!" biro ni Anna.

"Oh sinong mauunang ikasal sa inyo ni Eli?" biro  ko

"Kami syempre. Next month. Sure na yon. Sana naman next month e maayos na" sabi ni Daniel.

"Yeah, sana nga. Edi kayo Anna? Next, next month?"

Nagkatinginan sila ni Adi at sabay akong nilingon.

"THANKS FOR THE SUGGESTION! NEXT NEXT MONTH  IT IS!"

Napuno ng tawanan ang buong living room.

"Eh ikaw naman Max? Kelan mo balak humanap? Dylan? Kelan mo balak magpropose kay Maddy?"

"Dadating din kami dyan." Nakangiting sabi ni Dylan at  inakbayan si Maddy.

"Akalain mong naka-move on ka din sa asawa ko." Biro ni Gray.

"Muntik nang hinde, dre. Maigi nalang at hindi sumuko sakin si Maddy."

"Haynako! Sa lahat ng martyr dito, si Dylan ang pangalawa!" Sabat ni Belle

"Sinong una?" Tanong ni CJ.

"Si Asteria, sino pa ba?! Jusko kahit gaano kasakit yung sitwasyon parang wala lang sa kaniya. Hindi maalam magsabi satin ng nararamdaman. Makasarile!"

"Leche ka!"

"Aangal pa e tunay naman!"

"Eh bat hindi mo isinama dito ang anak mo?" Pag-iiba ko ng  usapan.

"No way. Matalino ang anak ko. Puro kabulastugan ang maririnig non satin!" Nagtawana ulit kami pero nahinto nang umiyak bigla yung kambal kaya nagmamadali kaming umakyat sa kwarto para kunin ang kambal.

Binuhat ko si Hera at kay Gray naman si Grayonne. Pinatahan namin yung kambal pero ayaw nila tumigil.

"I think they're hungry." Sabi ko.

"Pano ako makakapagtimpla ng milk nila eh hawak ko si Grayonne."

"Aish. Oonga. Ibaba mo kaya muna?"

"Lalo syang iiyak."

Nagkatinginan naman kaming dalawa. Sumilip ako sa pinto at sumigaw.

"Mommy! We need your help!"

Natawa naman si Gray. Nagamamadaling umakyat sila Mommy, Daddy at Aunt Zia. Sila Belle naman ay nasa baba at nakatingin dito sa taas.

Akala siguro nila ay may nangyaring masama.

"Jusko kang bata ka! Akala ko ay napaano na ang kambal!" Sabi ni Mommy habang nakahawak sa dibdib niya. Natawa naman kami ni Gray.

"Ano bang gagawin?"

"Can you hold her for a minute? Magtitimpla lang ako ng gatas." Kinuha niya si Hera sakin at saka ako nagtimpla ng gatas.

Nang matapos ay ipinalagay ko na yung kambal sa crib nila at saka dumede. Sina Mommy naman ay bumalik na sa baba. Pinagmasdan lang namin ni Gray ang kambak habang nadede at mukhang inaantok na ulit.

"I'm so lucky to have you." He held my hand.

"Ako din naman e. Sobrang swerte ko din sayo. Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito."

"I love you."

"I love you too." Tugon ko at hinalikan niya ko.

I'm so lucky!


I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon