ISD 38

78 9 9
                                    

A S T E R

Gusto kong matuwa sa eksena kanina. Although, natuwa namman talaga ako at masaya ako para sa dalawang kaibigan ko, hindi ko parin maiwasan makaramdam ng matinding inggit.

Sana nandoon din si Gray at sabay naming inaalala yung nangyari 8 years ago nung magpropose siya.

On the way na kami sa bahay namin ni Gray. Dun kasi kami naghanda ng foods since parang tambayan na din naming barkadahan yon. Magkakasunod ang mga kotse namin na pumasok sa village at nang marating namin ang bahay namin ni Gray ay laking gulat ko dahil nandoon ang kotse ni Gray.

Tf?!

Nagmamadali akong bumaba ng kotse at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Aster.." Sambit ni Nice

Dere-deretso akong pumasok sa loob ng gate at agad kong natanaw si Gray sa may Garden at mukhang malalim ang iniisip. Ngunit bago ko pa siya matawag ay naunahan na ko ng mga lalaki. Agad silang nagsitakbuhan kay Gray at niyakap to. Agad akong napaluha sa nasaksihan ko.

Gray, bakit ka nandito? Sabihin mong nakakaalala ka na please. Pleaseeee.

Nang maghiwa-hiwalay sila sa yakap ay nahawi sila at ngayon ay katapat ko na si Gray. Nagtama ang paningin naming dalawa at bakas ang pag-aalala sa mukha niya ng makita ako.

Ayaw niya nga palang makitang umiiyak ako.

"Y-You're here." Pigil hiningang sabi ko.

"Yeah, parang sinasabi ng utak ko na magpunta ako dito. I don't know why. Parang connected sakin tong lugar na to bago ako makalimot e."

Bahay natin to Gray e. Malamang.

"Nakalimot ka?" tanong ni Adi. Agad naman syang binato ni Anna ng bag.

"Do we know each other?" Tanong niya sa mga kaibigan namin

Pumunta sa tabi ko sila Nice at nagulat ako ng makitang umiiyak si Belle.

"We' re all friends here. Bestfriends, squad." Sagot ni Belle.

"Talaga? So kaibigan ko din si Aster?" Tanong niya.

"Hind----"

"Oo! Oo Gray, kaibigan mo din ako.. Kaya ako umiyak noon nung magkita tayo sa US dahil inakala kong patay kana. I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi." Putol ko sa sagot ni Nice

"Ah, okay. Now I understand. K-Kaya pala, unang pagkikita palang natin ay magaan na ang loob ko sayo."
Sabi niya.

"Hmm." Pilit ang ngiting tugon ko.

"Maigi pa, pumasok na tayo sa loob at doon ko ipapaalala sayo lahat." Nakangising sabi ni Belle.

"Am I still welcome to your squad?"

"Oo naman! Pamilya na tayo e! Tara na!" Sabi ni Ethan

Mukhang may plano na naman tong mga to!

Nagsipasok na kaming lahat sa loob at bumungad ang masasarap na pagkain na ipinaluto namin sa isa sa magaling na Chef na kilala namin.

"Woah. Prepared na prepared pala kayong lahat! Bwisit ka Adrianne Luke! Pinakaba mo ko sa mga chat mo kagabi! Akala ko hihiwalayan mo na ko!" Reklamo ni Anna.

"Mahal na mahal kita, pano kita iiwan?"

"KORNIIIII!" Pang-aasar nila. Nakitawa nalang ako at pasimple kong nilingon si Gray at nakatingin ito sakin...I mean sa tiyan ko.

Babies, look! Daddy is looking at you!!

Napangiti ako at ibinalik ang tingin kila Adi at Anna.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon