ISD 11

72 8 1
                                    

A S T E R

Two days had passed. Anniversary na namin bukas.

Ang sakit lang.

"Ast----why are you packinh your things? Where are you going?" gulat na tanong ni Mommy nang pumasok siya sa kwarto ko at madatnang nag-iimpake ako.

"S-Sa States muna ako titigil, Mom. Baka sandaling makalimot ako don."

"B-Bakit hindi ka nagpaalam sa amin ng Daddy mo?"

"Dahil alam kong pipigilan niyo ko. Just let me. Doon muna ako titigil hanggang sa manganak ako."

"Aste---"

"Mom please. I can handle myself, kung yan ang inaalala niyo. Tsaka andun naman sila Tita Jorize at Gave diba. Kapit-bahay lang natin sila. And for sure, Denise would take care of me, too.."

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Thanks Mom." Walang ganang sabi ko at ipinagpatuloy ang pag-iimpake ko. Tinulungan na din ako ni Mommy. Mamayang 8pm kasi ang flight ko at kailangan ko nang magmadali dahil madami akong bagahe.

"Bakit hindi nalang yung private jet natin ang gamitin mo?"

"I don't want to---"

"Mas delikado kapag nag-biyahe ka magisa. At least, kilala ko ang piloto kapag sa private jet ka sumakay."

"Mom."

"Aster, please. Makinig ka naman this time."

No choice.

"Fine."

"Okay, good. I'll call our private pilot. Mag-dinner ka muna bago umalis. Para nadin makapag-paalam ka sa Daddy mo. Pauwi na din yon."

"K."

Lumabas na siya ng kwarto ko at ako naman ay nahiga sa kama.

Baby, naiistress ka din ba diyan dahil sakin? I'm sorry ha. Ang hirap lang kasi ng sitwasyon natin dahil iniwan na tayo ng Daddy mo.

Eto na naman yung mga luha ko. Sa daming beses ko nang umiyak ay hindi parin ako nauubusan ng luha. Ipinatong ko ang kamay ko sa tiyan ko at hinimas-himas iyon

"B-Baby, pakatatag ka diyan ha. Ganun din si Mommy. Magpapakatatag din ako para sayo. Kakayanin natin to."

Nilingon ko ang malaking picture namin ni Gray sa may pader. Our wedding picture. Bumangon ako at nilapitan yon. Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa larawan naming dalawa habang patuloy na umaagos ang aking mga luha.

"Happy 8th anniversary, Mahal. I love you so damn much always and forever."

*kringg kringg*

Belle calling...

"H-Hello?"

[Umiiyak ka na naman?!]

"Belle."

[Nasabi sakin ni Tita Love na aalis ka daw ngayon? Iiwan mo din kami?]

"Hanggang sa manganak lang ako."

[Baka gusto mo ng kasama-----]

"I'm fine. Nandoon naman si Gave at Denise. Thank you nalang."

[Anniversary niyo bukas, right?]

Hindi ako umimik. Pinigilan ko ang paghikbi at paghagulhol.

[I-I'm sorry, binaggi---]

"O-Okay lang *sobs*"

[Aster.. P-Pakatatag ka ha. Mag-iingat ka don.]

"I will."

Natahimik sa kabilang linya at ang tanging narinig ko lang ay ang pagsinghot niya.

Umiiyak siya.

Ang dami ko na palang naapektuhang tao. Ang tanga-tanga mo Asteria.

Mas lalo akong naiyak sa naisip ko.

"B-Belle, I'm sorry. P-Pati kayo ay naapektuhan sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko m-man lang kayo naisip. I'm sorry."

[K-Kelan ba matatapos tong ganito, Aster?]

"H-Hindi ko alam, B-Belle. S-Sumpa na ata s-sakin to e."

"Noong una ay si Faith, ngayon naman ay si Gray. Putanginang buhay yan."

dagdag ko pa.

[Mag-iingat ka don ha! Wag mong susundang ang asawa mo sa langit!]

"Oo na!"

[Byee. I love you]

"Salamat."

*toot toot toot*

Muli kong tiningnan ang litrato namin

Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit yun ang gusto ng Mommy mo. Hinding-hindi. Ikaw lang ang kaisa-isang lalaking mamahalin ko nang ganito.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon