ISD 35

85 7 6
                                    

A S T E R

Weeks had passed at aaminin kong unti-unti ko nang nakukuha si Gray.

Unti-unti at inip na inip na ko.

About naman dun sa project namin na charity, we're done. Pero nanatili syang nakabuntot sakin. Madalas niya akong yayain ng date at hindi naman na bago sakin yon dahil bago sya makalimot ay ganon naman talagaang ginagawa namin.

Mamayang gabi ay magpapacheck-up ako sa OB at malalaman ko na din ang gender ng baby ko. I am five months pregnant pero pang-seven months na yung tiyan ko and it makes me wonder kung may halimaw ba dito sa tiyan ko since demonyo naman yung tatay nito.

I'm with Lester as of now. Bumawi ako sa kanya dahil halos buong week na to ay tinanggihan ko ang mga offer niya.

"What's the progress between you and him?" Sinamaan ko naman sya ng tingin at sumubo ako ng popcorn. Nasa bahay niya ako ngayon dahil inaya  niya akong manood ng netflix.

"You keep on asking me that kind of question tapos pag sinagot ko at nasaktan ka, aartehan mo ko. Dadramahan mo ko. Ending makokonsensya ako at mai-stress ako. Bet na bet mong istressin ako e no."

"Haha! Ang cute mo!"

"Alam ko!"

"Conceited!"

"Kapal!"

"Talaga naman!"

"Tse!"

"HAHAHHAHAHA!"

I love these...yung mga ganitong moment naming dalawa.

"Oh natahimik ka na." Puna niya

"Posible bang magkagusto ka sa dalawang tao at the same time?" I asked

"Why?" Bakas ang curiosity sa mukha niya. Hindi naman ako nakasagot sa kaniya.

These past few days, bigla akong nalito sa nararamdaman ko. Ang bilis ko ng makonsensya kapag natatanggihan ko si Lester. Kapag di ko sya nakakasama, namimiss ko sya at nakakaramdam din ako ng excitement pag tatawag siya. Ganito yung mga naramdaman ko noong nagkakagusto akko kay Gray back when we were highschool.

"Hey, you okay?"

"H-Ha? Okay lang. Don't mind my question hehe."

Bumalik ako sa panonood at ganon din siya.

Mali to. Mali tong nararamdaman ko..kasal ako at hindi ako maaaring magkagusto pa sa iba bukod sa asawa ko. Oo nga at nakalimutan niya ako, pero hindi pwedeng ganun din ang ibalik ko. Nangako akong hindi ko syang susukuan.

Nagpatuloy na kami sa panonood. Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa pagitan naming dalawa.

Gray...

"So, tinatawag-tawagan ka na din niya. Nice."

Eto na naman po tayo sa malupitang drama ng isang Lester Johann Monzato

"Lester..." Bigla syang humaglapak ng tawa.

"Just kidding! HAHAHHA! Ganon ba ako kaseloso sa tingin mo?"

"Oo! Bwiset ka!"

"Konti nalang Aster. Konti nalang iisipin ko ng gusto mo na din ako." Nakangising sabi niya at saka ibinalik ang atensyon sa TV.

Am I that obvious?---wait?! What the hell?! So inamin ko ding may gusto na nga ako kay Lester?! Hell no! Hindi ako MARUPOK!

Tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hmm?"

[Anong oras ang check-up mo sa OB mo?]

"Ha? Bakit?"

[Susunduin kita----]

"No need. May maghahatid naman na sakin."

Pasimple akong lumingon kay Lester na tutok na tutok sa pinapanood niya.

[No. Alam kong walang maghahatid sayo. C'mon send me your address.]

"I-I'm with L-Lester today. At s-siya yung maghahatid sakin."

Saglit na natahimik sa kabilang linya.

"H-Hey."

[Bye.]

*toot toot toot*

Kunot-noo akong bumalik sa pwesto namin ni Lester at huminga ng malalim.

"Problem?" Tanong nya

"Wala."

"You seemed bothered."

"I'm not. Focus on what you're watching."

"Ok, baby!"

"Fuck off, Monzato."

"Hahahahah!"

Ang bigat-bigat ng dibdib ko.

Kinamamayan pa ay biglang may nag-doorbell. Pareho kaming nagkatinginan ni Lester.

"May inorder kaba or something?" Tanong ko. Umiling naman sya.

"Ikaw ba?"

"Wala din."

Pareho kaming nagtataka. Tumayo kami pareho at pumunta sa pinto para pagbuksan kung sino man ang nag-doorbell na yon. Nang magbukas ang pinto ay nagulat kami sa bumungad samin

"Gray.." Mahinang sambit ko. Bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya na syang ikinagulat ko ng todo.

Wtf?!

Matalim ang naging titigan nila ni Lester.

"What the fuck is wrong with you?!" Inis na tanong ko kay Gray.

"Stay away from him." Madiing sabi niya.

"And why would I do that?! Lester is my friend! Sya ang karamay ko nung panahong inakala kong wala kana!" Sigaw ko.

"W-Wala na ko?"

"Fuck! Alam mo, suko na ko! Ayoko na! Hindi na kita ipaglalaban! Nakakaumay ka na!" inis na sabi ko saka pabalibag na inalis ang pagkakahawak nya sa wrist ko. Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar yon. Mabuti nalang at nasa bulsa ko ang susi ko.

Ayoko na Gray. Dun ka na sa Cheska mo, at ako kakalimutan na kita.





I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon