ISD 37

78 11 5
                                    

A S T E R

"Have you heard the news?" Mom asked

"Huh?"

"Umuwi dito sa Pinas ang pinsan mong si Cheska." Sabat ni Daddy.

"Ano?! At ano namang gagawin niya dito?! Magwaw----"

"Kumalma ka nga Asteria!" mahina akong hinampas ni Mommy sa braso. Napanguso naman ako.

Edi enjoy na naman sya sa asawa ko?!----weyt. Pinalaya ko na nga pala si Gray. So kapag naayos na yung annulment paper namin ay tapos na talaga kaming dalawa. Great Aster!

"Oh, para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan." Puna ni Mommy.

"Wala lang."

"Nagseselos ka na agad e hindi mo pa nga nakikita? Ikaw naman kasi e. Pinalaya mo na agad. Hindi ka nakapag-intay." Sarkastiko akong natawa sa sinabi ni Daddy.

"Mas madali na din yon, Dad. Hindi ko naman pwede g pilitin yung tao na alalahanin ako---"

"Pero pwede mong subukan."

"Eh paano? Paano ko gagawin yon kung ang inaakala niyang asawa nya ay si Cheska? Para akong nagtitinidor ng sabaw non."

"Aster."

"Okay lang ako Haha! Sige na aalis na ako at baka ako nalang ang kulang don "

"Ano ba kasing gagawin nyo sa airport?"

"The proposal of the Great Adrianne Luke Unico." I winked at her and walked away.

A N N A

"OH ANDITO NA SI ASTER THE GREAT!" sigaw ni Belle. Napairap naman ang kararating lang na si Aster.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Adi texted me last night, may sasabihin daw syang importante at kinakabahan ako ng matindi.

"WAHHHHH! ANDYAN NA SI ADIIII!" sigaw ni Eli at sabay-sabay kaming nagsilingunan

Omygod! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

Habol ko sya ng tingin ng isa-isa niyang lapitan sila Aster at iba pa naming kabarkada maliban sa akin.
Nakipag-kwentuhan pa sya kila Ethan.

What's wrong with him? Wala naman akong ginawang mali sa pagkakatanda ko.

"You okay?" Tanong ni Aster.

"Oo naman." Pilit na ngiti ang iginanti ko.

"Nag-away ba kayo ni Adi? Bakit di ka pinapansin." Hindi ko malingon si Adi dahil nasa limuran sya  si Aster at matangkad si Asteria!

Huhu! Bat kasi ang tangkad nito.

"Okay na?" Malakas na tanong ni Ethan sa kung sino.

Sino kausap non e wala namang nakatingin sa kaniya.

Nilingon ko si Aster at ngumiti lang ito saka umalis sa harapan ko. Nagulat ako ng makitang nakatingin ang lahat sa akin.

As in lahat! Pati ata mga flight attendant na dumating ay sa akin din nakatingin.

Dahan-dahan akong lumingon sa baba at nandon si Adi. Nakaluhod sa harapan ko at may matamis na ngiti.

Oh gosh.

"Brianna Klane Garcia, are you willing to grow old with me?" at sabay niyang inilabas ang maliit at pulang kahon. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon pero mas lamang saya.

Ang lalaking pangarap ko laang noon ay nagp-propose na sa harapan ko ngayon.

"Yes, Adrianne Luke Unico. Yes!" Tuwang-tuwang sabi ko. Binuksan niya ang kahon at kinuha ang singsing doon saka isinuot sa daliri ko. Kasabay non ay ang masigabong palakpakan ng bawat taong nanonood sa aming dalawa at ang malaks na hiyawaan ng mga kaibigan namin.

One of the best day ever!

Tumayo si Adi at saka ako niyakap ng mahigpit

"I missed you so much." Bulong niya

"I missed you too." Umiiyak na sabi ko.

Inilayo niya ako at saka ako hinalikan ng marahan at mas lumakas pa ang hiyawan at palakpakan ng mga kaibigan namin at ng ibang tao. Nang maglayo kami ni Adi ay pareho kaming natawa.

Did we just kissed in public? Haha!

"CONGRATSSSS!" bati nila Aster.

"Thank you." I mouthed then wiped my tears.

It's official. Brianna Klane Garcia and Adrianne Luke Unico are now engaged. I  am soon to  be Mrs. Unico!









I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon