ISD 7

70 4 0
                                    

A S T E R

Balik trabaho na ako. Ayaw pa nina Mommy na magtrabaho ako pero dahil nga sa kagustuhan kong libangin ang sarili ko ay nagpumilit nalang ako. Marami ang nagulat nang makita akong pumasok. Alam nilang hindi pa ako nakakalimot.

"Maam Aster?" biglang dating nung sekretarya ko.

"Yes?"

"May bisita ho kayo." Naningkit ang mata ko.

Bisita?

"Sino raw?"

"Lester daw po e." nagulat ako pero di ko na yun pinahalata.

What the heck is he doing here?!

"Papasukin mo."

"Sige po" nag-bow pa sya at lumabas ng opisina ko. Maya-maya ay pumasok si Lester na may dalang bouquet at box ng donuts.

WTF?!

"What the fuck are you doing here?!" Kunot-noong tanong ko. Bahagya pa siyang natawa.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? The fuck?!

"I'm asking you." Madiing sabi ko

"I'm here to bring you this" at itinaas niya yung box ng donuts at flowers. Napairap naman ako.

"I don't need that. Get out---"

"Saglit lang naman. I wanna be friends with you" nakangiting sabi niya.

"I don't want to." Walang emosyong sabi ko at muling humarap sa laptop. Ipinatong niya sa table ko yung donuts at flowers.

"You have to be happy. Hindi naman pwedeng palagi kang malungko---"

"Ano bang pake mo? Pwede ba! Lumabas kana! Wala kang alam sa narara----"

"My fiancé died." Natahimik ako.

"Kalilibing niya lang last week." Pagpapatuloy niya.

"Then why are you doing this things? You should be sad."

"Dahil ayoko. Ayokong lunurin ang sarili ko sa lungkot. Mahirap umahon. Mahirap bumangon. That's why I wanna be friends with you. Nakikita kong magiging sobrang lungkot mong tao and I want to comfort yo---"

"Comfort nga lang ba, o comflirt?"

"Tss. Pwede bang both?"

"Ulol"

"Just kidding. Comfort lang talaga promise. At sisiguraduhin kong pag naging magkaibigan tayo ay hindi ka malulungkot. Gusto mong kalimutan yung sakit diba?" Marahan akong tumango.

"Matutulungan mo ba akong tanggalin yung sakit na nararamdaman ko?"

"Hindi ko alam e---"

"Edi wag na lang."

"Pero susubukan ko. Sa lahat naman ng bagay ay wala tayonh kasiguraduhan diba?"

"Oo na! Oo na! Peste. Pero sa ngayon umalis ka muna dahil nagt-trabaho ako!"

"Talaga?! So friends na tayo?!"

"Oo nga! Bat ba ang kulit mo?! Ilang beses ka bang pinanganak at paulit-ulit kang peste ka?!"

"Harsh."

"Tss."

"Sige na. Aalis na ako. Kainin mo yang donuts na binili ko para sayo ha."

"Tatanggihan ko ba naman to e isa to sa mga paborito ko. Sige na! Shooo! Papunta dito ang kaibigan ko baka abutan ka pa non at kung ano-ano ang isipi non." Napangisi naman siya.

"Siguro kasi bagay tayo---"

"Kalokohan. Tao tayo."

"You're funny."

"Nye nye nye--ano ba?! Hindi ka pa ba aalis?!"

"Aalis na nga e. Bye Aster~"

Nakangisi siyang tumalikod at lumabas ng opisina ko.

Ang kaisa-isang bagay lang sakin ay ang asawa ko. Tanging si Gray lang.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon