ISD 58

102 8 3
                                    

A S T E R

Month of April, at Ethan's Beach Resort.

At dahil summer ngayon, nandito kami sa beach resort nila Ethan. Last week, cinelebrate namin ang birthday ni Ethal at ngayon naman ay bonding naming lahat. Together with our family. Yung mga parents namin, ayun magkakasama at nachichikahan. Habang kami, may kanya-kanyang alaga.

Yung kambal sobrang daldal na nila. Nagta-try na silang magsalita at sobrang cute nila. Sila Mommy, Daddy at Aunt Zia ay tuwang-tuwa na alagaan sila kay medyo hindi kami nai-stress ni Gray.

This is our third day here at tatlong araw ko na ding hindi nakakasama ng maayos si Gray. He's always with the boys at umaalis. Ewan ko ba kung saang lupalop ng resort na to nagpupunta ang mga yon. Palaging busy. Selos na selos na nga sila Nice dahil baka babae na naman daw ang inaatupag ni Ethan.

As if lolokohin siya ni Ethan e patay na patay nga yung tao sakaniya.

"Asan na naman yung pitong kupal na yon?" Tanong ni Nice na kauupo lang sa tabi namin. Agad syang hinampas ni Nice.

"Bunganga mo! Marinig ka ni Belrina!" Sita nito. Natawa naman sila Eli at Anna.

Napalingon kami sa mga teen agers na naglalaro sa dalampasigan. Magjojowa ata ang mga yon.

"Nakakamiss maging teenager." Bulong ni Eli

"Sobra." Pagsang-ayon ko

"Yung tipong tamang harot lang. Wala pang commitment. Pacute lang" sabi ni Nice

"Napaisip ako, what if hindi ko nakilala si JJ. What if hindi natin nakilala yung 7Kings." Sabi naman ni Belle

"Nako, baka hanggang ngayon single ako." Natatawang sabi ni Anna.

"Baka hanggang ngayon nagdudusa pa din ako--"

"OA ka na masyado Asteria. Sa loob ng siyam na taon, wag mong sabihing hindi ka pa makakalimot kay Aiden! Ulul!" Pangbabara ni Belle

"Malay mo naman! Nakalimot lang naman ako kasi dumating si Gray sa buhay ko. Sya lang yung taong unexpected na dumating sa buhay ko pero di ko akalaing mamahalin ko ng todo."

"Suussss! Samantalang nung first day, nakasalubong daw sya ng demonyo. Sinabihan pa kong bobo at di ko daw magets yung sinasabi nya. Hay nako Asteria! Sa lahat taongg corny, ikaw ang pinaka!"

"Ikaw kamo!" Pang-aasar ko

"Mommy Look! I saw this on the shore! It's so cute!" Biglang dating ni Belrina na may dalang talangka.

"Wow good job baby! Go to your Grandma and show it." Nakangiting sabi ni Belle. Naimagine ko ang kambal pag lumaki.

Sana hindi sila maging kasing-daldal ni Belle.

"Hon!/Baby!/Loves!/Babe!" Napalingon ako nang biglang dumating ang 5Kings kasama si Daniel at wala si Dylan at Gray. Si Dylan ay sadyang wala ngayong araw dahil umuwi na sya kahapon. Nagka-emergency kila Maddy kaya ayon.

"Asan yung pinaka-gwapo sa inyo?" Nakangising tanong ko.

"You mean ako?" Sabi ni JJ.

"Tss. Si Gray ang tinutukoy ko."

"Ahh andon naiwan. Nangchichix!" Pagbibiro niya.

"Bwisit ka! San ba kayo galing at pagod na pagod yata kayo?" Paguusisa ko.

May kalokohan na naman yatang ginagawa tong mga to.

"Ay nga pala, may hinabilin si Gray samin." Sabi ni Daniel.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon