ISD 10

80 7 2
                                    

A S T E R

"Happy Birthday To You~"

Imbes na matuwa ako ngayong araw ay hindi. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko at umiyak nang umiyak.

It's my day today and I should be happy but I can't.

Sa nagdaang mga taon at birthday ko ay palaging siya ang kasama ko kaya naman sobrang nakakapanibago dahil wala na siya ngayon.

"Happy Birthday, sweetie" bulong ni Mommy sabay yakap. Ganun din si Daddy.

"GROUP HUGG!!!" sigaw ni Ethan.

Gray, hindi mo man lang ba ako babatiin? Isnag paramdam lang oh.

"Oy oy oy Asteria! Tama muna ang iyak! Birthday mo ngayon! Dapat happy lang!" Sita ni Nice.

Wala si Belle at JJ ngayon dahil sa nangyaring eksena sa ospital. Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako kay Belle pero wala akong pake.

"Let's eat!" Aya ni Mommy. Una-unahan naman sila sa pagkuha ng pagkain.

Parang mga bata. Di padin sila nagbabago.

Pinagmasdan ko lang sila na masayang kumakain.

Magiging ganan pa din ba ako kasaya? O hindi na.

"Aster? Tara na!" Aya ni Maddy. Pilit na ngiti ang ibinigay ko.

"Sige na. Mauna na kayo. Hindi pa naman ako nagugutom."

"Sige. Ikaw bahala." At nagpatuloy na siya sa pagkain.

Nilapitan naman ako ni Mommy at Daddy.

"You miss him?" Tanong ni Daddy.

"A lot." Sagot ko.

"Aster, we're sorry. Wala man lang kaming magawa para matanggal yang sakit na nararamdaman mo." Sabi ni Mommy

"It's fine. Ako nga hindi din makahanap ng solusyon kung pano ko itataboy yung sakit na nararamdaman ko ngayon e. Sa isang linggo ay anniversary na namin. Yun ang kauna-unahang beses na mag-isa akong magcecelebrate ng anniversary naming dalawa." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Niyakap nila ako.

"Everything will be fine. Magiging masaya ka ulit."

"Paano? Yung kaligayahan ko, nawala na sa tabi ko. At habang buhay na siyang wala. Ni hindi man lang binugyan ng pagkakataon ang anak namin na masaksihan siya."

"Anak.."

"Kumain na kayo, Mom. Wag niyo na kong alalahanin."

"Aster please. Mas pinapahirapan mo ang sarili mo."

"Mas pahihirapan ko ang sarili ko kung magpapanggap akong okay, Mom. Sige na. Aakyat muna ako sa kwarto"

Pag-akyat ko ay nag-lock ako ng pinto. Kinuha ko ang wedding album namin ni Gray. Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato naming dalawa ay patuloy na tumutulo ang luha ko.

Bakit ganito kasakit? Nung una ay si Faith, ngayon naman ay ikaw. Sinong sunod?

"Gray...*sobs* I fucking miss you."
Humagulhol ako. Pinaglandas ko ang daliri ko sa litrato niya. Para akong sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo sa dibdib.

Napakasakit.

Napahinto ako nang magvibrate ang phone ko.

Fr: Aunt Zia
Happy Birthday, my daughter.
Be strong and be happy.
Gray is letting you free.
Find someone else who can
make you happy more than
what he did.
6:09 pm

Napaiyak na lang ako.

Paano? Sino? Wala nang makakahigit pa kay Gray at sigurado ako doon

Hindi na ako nagreply. Kasunod non ay ang text message galing kay Belle at JJ.

Fr: Belle
Happy Birthday, Aster.
I'm sorry sa mga nagawa
ko. Tandaan mo na I'm
always here for u. I love
you so much. I wish
you all the best. Forgive
me.
6:10 pm

Fr: JJ
Hi Aster. I'm sorry for
what my wife did. Anyways,
Happy Birthday to you.
I hope for your happiness.
Good health for you and
for the baby. I'm sure Gray
is mad to see you suffering
like that. Always smile.
Enjoy your day!
6:10 pm

I replied to the both of them

To: Belle
I forgive you. Sorry din
sa mga nasabi ko. Thanks
anyway.
6:11 pm

To:JJ
Hi, Thank you. Punta kayo
dito. Maraming foods.
6:11 pm

After that, naka-receive agad ako galing kay JJ.

Fr: JJ
Sorry we can't come.
Tulog na kasi si Belrina.
Walang magbabantay.
Just enjoy your day.
Bukas kami babawi ni
Misis. Btw, di na maka-reply
si Belle dahil binabantayan
niya na si Belrina.
6:11 pm

To: JJ
It's fine. See you
tomorrow.
6:11 pm

Hindi na siya nagreply matapos non kaya in-off ko na ang phone ko.

Nakapag-desisyon na ako.








I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon