ISD 49

97 12 15
                                    

C H E S K A

This is it! The biggest day of my life! I am now getting married with the man of my life! With my everything!

Akalain mong utu-uto din pala ang isang Zach Grayson Saavedra.

"You look so happy today, my duaghter." Biglang pasok ni Mommy.

"Of course Mom. Ikaw ba naman ang ikasala sa nag-iisang Zach Grayson Saavedra." Nakangising sagot ko.

Masasabi kong nagtagumpay ako sa plano ko. Eto na ang pinakahinihintay kong pagbagsak ni Asteria Hope Collins!!

"Make sure to have a baby as soon as posible para wala na siyang kawala."

"Sure Mom."

"I love your smile today, by the way."

"Thanks."

*kringg kringg*

Denise calling...

"Mom, Denise is calling. Sagutin ko lang." Paalam ko. Tumango naman siya.

"Yes?"

[Congratsss! OMG! You finally did it! Gosh! Ang tagal mong inantay to! Since highschool, ghad!]

"Hahaha! I know right! I'm so excited to see Aster's reaction when Gray will say I do. For sure she will be hurt!"

[Oh hell yes!]

"Hahaha! Sayang at wala ka dito sa Pinas! Hindi ko naman kasi balak dito magpakasal! Napilitan lang ako dahil kinakapos na ko sa oras! Leste kasing Aster yan! Talagang nagdahilan pa para mapabalik si Gray dito!"

[Girl, chill. Wala ka ng poproblemahin pa dahil sayong-sayo na si Gray mamaya!]

"Oh yes! Damn! Thanks for helping me though ang ginawa mo lang ay ichika sakin ang mga kinnukwento sayo ni Aster noong nasa US pa siya!"

[Hoy! Malakinng tulong na yon!]

"Yeah! Thanks. Sige na, I'll talk to you la----"

[Andyan ba 'siya']

"Hmm. Hindi pwedeng wala siya. Siya ang may pinaka-malaking naitulong sakin para sa planong 'to. Siya ang nag-ayos ng mga papeles para sa kasal na to."

[Hmm good. Nga pala, bakit hindi church wedding ang---]

"Kinapos nga ako sa oras. Dyan na kami magc-church wedding sa US. Sa ngayon, ang tanging mahalaga lang ay maging official na asawa ko na si Gray."

[Eh sigurado ka na bang annulled na talaga yung dalawa?]

"Oo nga! Tsk! Namemeste ka talaga ngayon e no?! Bye na nga!"

[Bye bitch! Congrats!]

"Tse!"

*toot toot toot*

Yes, she is Denise. The one and only wife of Gave, our cousin. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit alam ko ang bawat kilos ni Asteria nung panahong nasa US siya.
Walang kaalam-alam si Gave sa pinaggagawa namin ng asawa niya. Alam kong kapag nalaman ni Gave ang totoo ay magagalit yon ng sobra at may chance pa na iwan niya si Denise. Ganon kamahal ni Gave si Aster. Since hindi nga namin kadugo ni Aster si Gave at adopted lang siya, may namuong feelings si Gave para kay Aster at yon ang dahilan ng pagkaselos ni Denise kay Aster noong highschool.

Alam kong kakampihan ni Gave si Aster. Wala namang ibang kinampihan yon kundi si Aster. Noong graduating kami ng highschool ay balak ko ng umuwi dito sa Pinas para kunin ang dapat na akin at si Gray yon. Pero pinigilan niya ako at sinabing pagmamay-ari na daw iyon ni Aster. Mapaglarong tadhana. Ang pinaka-kinaiinisan kong pinsan ay siya palang umaangkin sa dapat akin.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon