ISD 8

75 5 2
                                    

A S T E R

Ilang oras pa magmula nang makaalis si Lester ay dumating na si Nice kasama si Eli at Anna.

"Uy sakto dating namin! May donut!" Biro ni Nice.

"Hindi yan sayo." malamig na sabi ko.

"Sabi ko nga." Bulong niya. Naupo silang tatlo sa harap ko at minasdan ang bouquet na nasa ibabaw din ng table ko.

Anong sasabihin ko? Ah alam ko na!

"What's with that look?"

"Kanino galing yan?" Sabay-sabay na tanong nila.

"Sa sekretarya ko. Pampagaan daw ng loob." Pagsisinungaling ko.

"Sana lahat." Bulong ni Anna.

"Tss. Edi patayin mo din boypren mo pag-uwi niya dito.  Ako pa mismo magbibigay ng maraming ganan sayo"

"Bastos to. Jusko wag na lang." Natawa naman si Nice at Eli.

"Pahingi naman kami ng donut, sis." Sabi ni Nice..

"Akin nga lang yan. Ano ba?!"

"Hoy Asteria. Napaka-damot mo. Pareho tayong buntis dito! Pag ako naagasan, ikaw may kasalanan." Banta niya. Napapikit nalang ako sa inis.

"Oo na punyeta! Makakatanggi ba naman ako sa inyo?! Letse! Gagaling niyo kaya mangonsensya." Nakasimangot na sabi ko.

Kinuha ko yung box at nakita kong mah nakadikit na note sa ibabaw.

You're the prettiest woman I've ever seen when you're smiling. Keep smiling, baby:)

-Lester     

Korni ampota.

"Hoy penge!"

Hinablot na nila sakin yung box ng donuts at nagsimulang kumain. Syempre kumain din ako. Hindi pwedeng hindi. Nang maubos namin ay umalis na din sila. Tinapos ko lang din ang mga natitirang paper works at umuwi na din ako.

"Oh, you're early." Bungad ni Mommy.

"Yep. Walang masyadong paperworks e." Sagot ko at ipinatong ang bag sa couch at pabagsak na naupo.

"How are you?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Hmm, still moving on. Mahirap tanggapin Mom. Bawat lugar yata na lingunin ko ay si Gray lang ang naaalala ko. Masakit, Mom"

"That would be hard for you, sweetie. Be strong, okay? You'll through of this sooner or later. We're always here for you."

"Thanks, Mom." Maluha-luhang sabi ko. Niyakap niya ako at isinandig ang ulo ko sa dibdib niya. Kasabay non  ay ang pagkawala ng mga luha ko.

Nanatili akong nakaganon kay Mommy habang hinahayaan ang luha ko na umagos.

Gray, balik ka na please. Hindi ko na kaya yung sakit.

*kringg kringg*

Napa-angat ako at kinuha ang phone ko sa bag.

Cheska calling...

Anong kailangan nito?!

"Who's that?"

"Cheska." Tipid na sagot ko.

"Ok. Answer it. Magluluto lang akong dinner."

"Ok." Sinagot ko yung tawag.

"What?"

[Is that how you greet your prettiest cousin?]

"Shut the fuck up, Cheska. I'm not in the fucking damn mood."

[I heard Gray is gone? That's sad.]

May halong pang-aasar ang boses niya.

"Can you pleas----"

[I called you to say 'condolence'.]

"Are you done?"

[Nope. I wanna say that I'm happy. You won't have a happy ending with him.]

Napakuyom ako ng kamao ko.

"You're being childish, Cheska."

[I know right. And oh, congrats. I heard you're pregnant too. I hope that kid would die too.]

"Fuck you----"

[Byee~~]

*toot toot toot*

What are you up to, Cheska?

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon