ISD 59

91 8 1
                                    

A S T E R

5 Months had passed and just like what Gray promised after we got married again, we are now living happily without any hindrance in our love story.

Nakalaya na si Cheska. Pinatawad na sya ng pamilya ni Lester lalo na't nalaman nilang buntis ito. This now her ninth month and anytime pwede na din syang manganak.

Yung kambal naman, 1 year and 3 months old. Nag-aaral na silang maglakad at sobrang nakakaaliw silang dalawa.

Si Belle naman ay malaki na din ang tiyan. Iilang months nalang din ang bibilangin at masisilayan na din nila ang pangalawa nilang anak.

Si Nice buntis ulit. Magt-two na din naman si Ethal.

Si CJ, naka-move on na at may girlfriend na sya. Palagi niyang dinadala yung girlfriend nya sa puntod ni Mori. I'm sure masaya si Mori para kay CJ. Same with Max, may fiancé na din sya. At masayang-masaya si Eli para sa kaniya.

Eli is now 6 months pregnant. Sobrang tuwang-tuwa si Daniel at Eli nang malamanmg kambal din ang anak nila.

Si Maddy at Dylan, kasal na. Last month ikinasal sila. Sobrang happy ko para kay Dylan kasi finallu, he found someone who's really meant for him.

Si Adi at Anna ayun kasal na din. And they're hoping na sana mabuntis na si Anna. Sobrang sabik si Adi sa baby.

Sina Xy naman umuwi dito for the good. Xy is already married. 1 year na pala syang kasal at si Xav naman ay 6 months nang kasal kay Art which is pinsan ni Dylan.
Xy is 8 months pregnant and Art is 2 months pregnant.

Si Rose naman at Theo, kasal na din. Nagho-honeymoon sila ngayon sa Maldives.

Si Sharon naman, wala na kong balita sa kaniya. Basta ang sinabi lang ni Rose ay engaged na din ito at ikakasal na next month.

Si Aiden at Jaja, masaya na din. Their first child is 2 years old already and Jaja is 8 months pregnant again for their second child. I'm so happy that finally, Aiden found his real happiness.

And today, September 11 is our 9th anniversary. One more year and we're already a decade. I celeberated my 28th birthday 3 days ago.

"Happy Anniversary, Mahal. I love you" bati niya. Naka-boxers lang sya at walang suot na pang-itaas. Yumakap sya sakin mula sa likod.

Nagluluto kasi ako ngayon para sa kauting celebration mamaya and isusurprise ko din si Gray mamaya for a special announcement.

"Yung kambal? Baka gusto na nilang dumede." Sabi ko.

"They're sleeping again. Pupunta ba sila Mommy dito?"  Tanong niya.

"Hmm, mamaya. Sinabi ko sa kanila na dito na sila mananghalian. Pati rin sina Belle." Nakangiting sagot ko saka ko sya hinarap. He kissed me on my lips deeply.

"G-Gray.."

"I love you so much, wife. I can't imagine my lofe without you." malambing na sabi niya.

"I love you too." Tugon ko.

"From enemies to husband and wife. Real quick. We have the best love story among them, right?"

"Ang yabang mo. Maligo ka na. Kadiri. You kissed me without even brushing your teeth first. Ew." Pagiinarte ko.

"Ang arte-arte talaga ng asawa ko. Maliligo na ko. Sarapan mo yan." Pagtutukoy niya sa niluluto ko.

"Tss. Wala namang hindi masarap sayo." Inirapan ko sya.

"I think so. Pati nga ikaw masarap para sakin." He winked at me and bit his lips.

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon