ISD 48

73 9 1
                                    

A S T E R

"ASTER, Spaced out ka ata." puna ni Mori.

Yes, nandito ulit kami sa hospital. I'm with Lester of course. Si Gray ang niyaya ko pero ayaw niyang sumama kasi busy daw. Aasikasuhin niya daw yung kasal kuno nila ni Cheska. And you know what, annulled na kaming dalawa. Weeks ago nung ipaayos ko kay Lester lahat at tapos na ngayon. I don't know how he got Gray's sign. Ni hindi man lang nga pinakita ni Lester sakin ang katibayang hiwalay na talaga kami ni Gray but I trust Lester.

"Ah wala may iniisip lang."

"Hmm. Balita ko annulled na kayo. Is it true?" Tanong niya. Nag-angat ng mukha si Lester.

"Ah yes. Thanks to him. Siya kasi ang gumawa ng lahat. Siya din ang nagtatago nga papers." sagot ko at tinuro si Lester. Ngumiti naman si Mori.

"Sana hindi mo pagsisihan yang desisyon mo. Magiging mahirap yan para sa mga anak niyo. Anyways, 7 months na sila sa isang araw. Excited na kong makita sila." Napahawak ako sa tiyan ko.

"Kaya ikaw, magpagaling ka. Para makita mo din tong kambal na lumaki. At magkaroon ka din ng sarili mong anak" i winked at her. Agad na namula ang pisngi niya.

"Btw, anong ipapangalan mo sa kambal? Babae't lalaki yan, right?" Tumango naman ako.

"As of now wala pa akong maisip. Basta dun sa girl, H.A. ang initials at sa boy ay G.Z."

"Binaliktad. Ang cool." Nakangiting sabi niya. Tumango-tango naman ako.

"Feel ko kamukha ni Gray yung kambal." Sabi ni Cj.

"Hmm, I don't think so. Feeling ko ay si Aster nag kamukha nung girl tapos si Gray ang kamukha nung boy." Sabi naman ni Mori

"Aster paano kung kamukha nga ni Gray pareho? Tas makikita yon ni Gray. Hindi kaya magtaka yon?" Napaisip ako sa tanong niya.

Paano nga?

*kringg kringg*

Cheska calling...

Nangunot ang noo ko.

Anong kailangan neto?

Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang tatlo.

"Sagutin ko lang 'tong tawag." Paalam ko.

"Sino yan?" Tanong ni Lester

"Cheska." I mouthed.

Ngumisi siya bigla pero hindi ko na pinansin pa iyon dahil unti-unti na kong nilalamon ng galit at inis.

Nang tuluyan akong makalabas ng room ay sinagot ko na ang tawag niya.

"What now?!"

[Hi cous! I just want to inform you that I and  Gray arre getting married tomorrow.]

"Oh really? Then congratulations!"

[You sound bitter. Sorry cous.]

"Tss."

[Oohhh The Great Aster is now mad. I just want you to come..]

"You're expecting me to come? Sa kasal mo at ng asawa ko? You're ridiculous!"

[As far as I know, annulled na kayo.]

Nangunot ang noo ko.

Paano niya nalaman??

Biglang nagflashback sakin yung gabing nakita kong naghahalikan sila ni Lester.

Please no...tell me I'm wrong. Imposible. Alam kong hindi gagawin ni Lester yon.

[Oh hindi ka yata nakaimik. Natauhan ka na ba na hindi mo na pagmamay-ari si Gray. Ako na ang magmamay-ar----]

"Hindi laruan o bagay si Gray na pwedeng angkinin mo nalang basta. Dadating at dadating ang araw na makakaaalala din si Gray at babalik siya sakin. At sa huli, ikaw lang din ang luhaan."

*toot toot toot*

Isinusumpa ko yan, Cheska..

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon