ISD 18

73 7 6
                                    

A S T E R

"I-I'm sorry, nabigla yata kita. Baka isipin mo, masyado na kitang pinipilit."  Humiwalay siya sa yakap at nahihiyang ngumiti.

"B-Bakit ang bilis naman yata?" tanong ko. Bahagya siyang natawa pero andun pa din yung pagka-ilang.

"I already told you. Hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko sayo."

"A-Ahh Haha."

Awkward.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Nanatili kaming nakatayo at magkaharap pero hindi kami umiimik.

So that means, matagal na kong nahulog kay Gray noon highschool kami. Pinigilan ko lang talaga kaya napatagal?

"Can we talk about your husband?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Why?"

"I wanna know everything about how you and your husband end up together. You told me before that the both you started as enemies." Hindi ko alam pero bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Enemies. Akala ko ay sa libro at teleserye lang nangyayari yon. Enemies to lovers. Cliché, oo but I'm really lucky to have him. And I do really like how we both started. Tandang-tanda ko pa yung malambot at mapulang labi niya noong unang beses niya akong halikan. I loved a kissing monster.

"You're smiling. I guess, you two really have a good love story."

"Let's sit. Kukwentuhan kita."

Naupo ako sa harap ng lamesa at ganun din siya. Huminga ako nang malalim bago magkwento.

"Second week of school noon sa Kadence University. On my way to school, may isang siraulong nakipaggitgitan sakin at nakipagkarerehan sa daan. Ending natalo ko siya. You know what's the fun part? Hindi pa siya natatalo ng kahit sino sa karerahan. Tanging ako palang. To think na babae ako, feeling niya naapakan ko ang ego niya. Hindi niya matanggap ang pagkatalo niya at ang mas ikinainis niya ay niyabangan ko pa siya." Bahagya akong natawa habang inaalala ko ang araw na 'yon.

"Then?"

"Sa sobrang pagkapikon niya, hinalikan niya ko. That was my first. Kahit nagka-boyfriend ako ay hindi ako pumayag na halikan sa labi. Sa sobrang inis ko non, sinapak ko siya. Doon ko lang nalaman na sikat para sa eskwelahan namin. Noon nga ay naisip kong baka ipahanap pa ako ng fans niya at ipapatay pero syempre dedma nalang. Asteria kaya to. Lahat yata ng mabibigat na problema naranasan ko na. Starting that day, binwisit nya na ako. What's cool was his friends and my friends have special feeling towards each other. Sadly yung dalawa sa couple dun, hindi nag-end up together. Pero tanggap naman na nila yun." Tumango-tango naman siya.

"But one day, nagtalo kami ni Daddy.  Ayaw kasi ni Dad na ipinapatawag ako sa Dean's office at nung nalaman niya yun ay sinabi niyang ipapakasal niya ako para magtino. Corny, right? Pero ang mas corny don, nabanggit ko kay Daddy na may boyfriend ako kahit ang totoo wala. Ginamit ko yung palusot na yun para hindi matuloy yun kasal. Una kong naisip non na gawing fake boyfriend ay ang greatest bestfriend ni Gray. Gray's my husband, by the way."

"Yeah, I know. What happened next?"

"Pero nung araw na kailangan ko siyang ipakilala kay Daddy sa dinner, sinabi niya sa aking out of town daw sya at no choice ako kundi si Gray ang gamitin ko dahil hiningi niya din ang tulong ko na magpanggap akong fake gf niya para matigil din yung kasal niya.--"

"Oh, nasa pareho kayong sitwasyon pala e."

"Yup, pero nung tinanong niya ako ay humindi ako pero nung araw bago ang dinner ay talagang no choice ako kaya pumayag na din ako. But the twist here, siya pala ang lalaking pakakasalan ko at nalaman namin yon pareho nung mismong dinner dahil kasama niya din ang Mommy niya. Sobrang galit na galit ako noon pero I still have mo choice. Two days after my 18th birthday, we got married. Civil wedding lang naman siya at suggestion ko yon dahil ayokong may makaalam. Delikado ako sa fans niya."

"How about his greatest bestfriend? Bakit siya yung naisip mo noon na pagpanggapin instead of Gray?"

"Dahil may gusto siya sa akin noon." Sagot ko

"Wow."

"I know, I am that pretty" pagyayabang ko.

"Conceited, tsh."

"So ayun nga, hanggang sa nafall na din kami sa isa't-isa pero sa aming dalawa, ako ang in denial. Ayokong tanggaoin nung una dahil sa pride ko. We started as enemies tapos mafa-fall lang. Amg weird non. Pero hindi ako nabigyan agad ng chance na aminin sa kaniyang mahal ko siya dahil bumalik yung mga taong sumira sa pamilya ko. Ang mga taong naging dahilan kung bakit naging siraulo ako. Kung bakit nagrebelde ako sa magulang ko. At siguro, hindi mo na kailangang malaman pa yun. Nagkaayos-ayos din naman sa dulo at naging masaya ang takbo ng relasyon namin ni Gray. And after eight years, madalas akong manginip about him. Na maaksidente siya habang sakay siya ng chopper. My dreams felt so real and it became real. Sana pala talaga ay nakipagmatigasan ako kay Gray at hindi ko siya pinayagan. Hindi sana aabot sa ganito"

Matapos kong magkwento, I felt proud to myself. Hindi na ako umiyak. Tanggap ko na talaga at ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kailangang makalimot. Pagtanggap lang ang solusyon.

"I feel bad for you and for him. Sayang. Maybe, the two of you aren't meant for each other. Maybe it's you and me." then he winked. Sumama ang mukha ko.

"Landi." Bulong ko.

"I heard that!" Huminga ako ng malalim at seryosong tiningnan siya.

"C-Can you help me to m-move on completely? I'm slowly getting there.." He smiled sweetly.

"My pleasure, baby."

S O M E O N E

"Mmmm....BABE!!!!" Agad akong napabangon mula sa pagkakatulog.

T-That dream..

"Hubby? You're having nightmares again?" Napalingon ako sa babaeng katabi ko.

"H-Hubb----Don't mind me wifey. I'm fine" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Pinagtitripan mo ba ako? Are you pulling some prank on me?! Ako to oh! Wifey mo! I am your wife."

Wife...MY WIFE.

Nakakaalala na ako.



I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon