ISD 9

78 6 0
                                    

A S T E R

Naalimpungatan ako sa alarm ko kaya agad akong bumangon at naligo saka nag-ayos ng sarili. Unti-unti na din akong nasasanay nang wala siya sa tabi ko paggising ko. Pero hindi yun ganun kadali. Ang hirap pilitin ang sarili kong maging matatag lalo na't ang nagsisilbing lakas ko ay wala na sa tabi ko.

"Buti gising kana. Sakto, luto na ang breakfast."

"Hindi na ako magb-breakfast dito Mom. Sa iba ako nagc-crave e. Preggy thingy."

"Sige. Magiingat ka."

"Yup." Humalik ako sa pisngi niya at saka umalis. Nag-stop ako sa isang resto na madalas naming kainan ni Gray ng breakfast tuwing magwo-work.

Nakakamiss.

Inorder ko yung madalas naming kainin at nagsimula nang kumain. Nang matapos ako sa pag-kain ay may umupo sa harap ko.

Wtf?!

"Anong ginagagawa mo dito?!"

"Chill, I just saw you here kaya pumasok ako. You look pretty today."

"Lagi naman." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-kain

"I thought we're friends already?"

"Oo nga."

"E bakit ang sungit mo padin sakin?" Nag-pout siya.

"Tss. Wala ka na don."

"Sungit." Parang bata pang bulong niya.

"Lester, please. Wag mo kong badtripin."

"Okay, tatahimik na. Eto naman."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa hanggang sa matapos akong kumain. Magkasabay kaming lumabas ng resto pero akmang sasakay na ko sa kotse ko ay pinigilan niya ko.

"Ano na nam----?!"

"Here." Inilahad niya yung sandamakmak na chocolates.

"P-Para san yan?"

"Para sayo."

"Tss." tinanggap ko yung chocolates na dala niya.

"Thank you." Pang-aasar niya. Nag-init naman ang pisngi ko.

"Tss. S-Salamat."

"You're welcome, baby!" Nangunot ang noo ko.

Baliw ba siya?!

"Anong baby?! Sapakin kaya kita! Kamamatay lang ng fiancé mo at kamamatay lang din ng asawa ko. Wah kang maharot." Inis na sabi ko.

"Joke lang e. Dahil magkaibigan na tayo ay masanay ka na sa mga biro ko."

"Hindi porket magkaibigan na tayo ay bibiru-biruin mo na ako. Hindi padin tayo mag-bestfriend, ulol."

"Sabi ko nga. I have a question."

"Ano na naman ba yon? Bilisan mo na at male-late na ko sa trabaho. Peste ka." Bahagya siyang natawa.

"Can I be your bestfriend?"

"Abusado ka naman masyado. Tss. Aalis na ko"

Hindi ko na siya binigyan ng chance na magsalita dahil dali-dali akong sumakay sa kotse ko at umalis.

Ano ba kasing ganap mo sa storya ng buhay ko, Lester?

I Still DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon