Encounter"Det! Tara na, malelate na tayo!" Pag-aya sa akin ni Cayene.
"Oo, teka lang!" Ani ko at mabilis na niligpit ang mga folder ko. Inayos ko rin ang eyeglasses ko at isinukbit agad ang bag ko. Sumingit-singit pa kami dahil ang daming paharang-harang sa daan. Pangalawang araw pa lang namin sa eskwelahan at mukhang mahuhuli pa kami.
"3... 9-A! Ito na!" Aniya at hinila na ako papasok sa classroom. Excited siyang pumasok dahil ito ang unang beses naming papasok sa isang pribilehiyo at prestihiyong paaralan.
"Cayene, roon na lang tayo sa likuran," giit ko dahil nagpupumilit siya na sa unahan kami maupo.
"Dito na tayo, Det, ang daming gwapo, o!" Turo niya sa mga nagtatawanang kalalakihan. Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. Halos pagtinginan kami ng mga kaklase namin dahil dito kami umupo sa likuran ng sinasabi niyang "gwapo."
"Please introduce yourselves dear transferees," utos ng guro namin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Good day, everyone. I'm Audette Lei Santisismo, 15 years old. You can call me Det, nice to meet you, guys," pinilit ko talagang hindi manginig iyong boses ko dahil sa matinding kaba. Nakakahiya kasi kung maririnig nilang nanginginig ang boses ko.
"Hello, classmates! I'm Cayene Bautista F. 14 years old and you can call me baby," napa-facepalm na lang ako dahil sa kaharutan ng kaibigan ko. Hindi naman sila nagbigay ng negative words kaya naupo na kami. Hindi ko alam kung iyong silence ba na iyon ay dahil wala silang pakialam o masama ang loob nila sa sinabi ni Cayene.
"Ikaw ha. Kalilipat lang natin tapos kumekerengkeng ka na! Ikalma mo iyang strawberry mo," bulong ko sa kaniya at kinurot siya sa kaniyang tagiliran.
"Ouch. Enebe, ang gwapo kaya!" Aniya at malanding hinawi ang takas ng kaniyang buhok. Napairap na lang ako at itinuon ang paningin ko sa kumukudang titser. May break kami ng isang oras at babalik ulit para sa last subject namin. Nag-ikot ikot pa kami at pinuntahan ang mga hindi pa namin napupuntahan.
"Det! Tingnan mo!" Turo niya roon sa school park. May mga bench, picnic tables, at cafeteria. Iyon siguro ang students park. Inilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko ang swimming pool.
"Cayene, tingnan mo ang haba!" Turo ko doon sa swimming pool. Doon idinaraos ang paligsahan sa larangan ng paglangoy. Pinuntahan din namin ang auditorium, musical theater, basketball and volleyball court, court para sa mga larong panraketa, computer laboratory, library, students lane kung saan pwede kang tumambay.
"Sana couple's lane or lover's lane na lang iyong itinawag diyan. Puro magjo-jowa nandoon," may pait pa sa tono ng pananalita niya.
"Bitter ka na agad? Grade 9 pa lang tayo!" Tanong ko.
"Pake mo? Dapat may age restriction kapag magiging bitter? Dapat 18 years old and above?" Aniya. Napailing-iling na lang ako sa kaniyang pinagsasabi.
"Tara na! Hoy, Cayene Bautista!" Sigaw ko nang makitang hindi siya gumagalaw. Hinampas ko na lang siya sa mukha. Kaagad naman akong nakaramdam ng awa dahil baka mamasa ang braso niya.
"Ouch! Tingnan mo ang gwapo!" Turo niya doon sa mga lalaking nakaupo sa students lane. Tiningnan ko ang tinuturo niya. May mga kalalakihang pang men's magazines ang hitsura pati hung ng katawan. Halatang mayayaman din sa unang tingin pa lamang.
"Gwapo saan?" Curious na tanong ko at muling sinulyapan ang mga kalalakihan doon. Hula ko ay mga senior highschool na sila. Nahuli kong nakatingin sa akin ang isang lalaki na medyo singkit ang mga mata. Lahing Chinese siguro.
"Yieee! Ang gwapo! Okay lang sa akin kahit four years iyong agwat basta ba maganda ang lahi ng magiging junakis ko!" Binatukan ko na siya dahil nagiging hibang na siya. Nagpunta na lang kami LUC at kumain.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...