Chapter 21Bereft
Tumakbo papunta sa amin iyong magkapatid habang si Ate Desiree ay kumokontak ng ambulansya.
"Anak, she hurt me!" pakita niya sa pasang naroon sa kaniyang braso. Namilog ang mga mata ko dahil wala naman iyon kanina habang nag-uusap kami!
"No! Hindi ko po kayo sinaktan! I never did that!" sabi ko at patuloy pa ring umiiyak.
"Shut up, Audette!" Sigaw ni Zapphire sa tabi ni Donny.
"Zap," bulong ko habang umiiling.
"Get out, Audette! You don't belong here! Look at what you did to Mama!" Ngayon ko lamang siya nakitang nagalit nang ganito at sa akin pa.
"Hindi ko siya sinaktan! I swear I never touch her! I didn't do anything! I swear to God!" depensa ko sa sarili.
"Shut the hell up and leave!" Aniya pa
"Zapphire, enough!" Si Ate Desiree.
"Bakit mo ba ipinagtatanggol iyan, Dee? ¡El plan era hacer esto! Don't let your sympathy ruin us!" Tumingin ako kay Madame Felicidad na ngayon ay pinapaypayan ni Damon.
Ang mga bisita ay naintriga sa nangyayari kung kaya't nagsipuntahan sila rito sa library. Marami rin ang kumukuha ng litrato at video namin ngayon.
"Audette, umalis ka na," si Donny na ngayon ang nagsalita. I snapped at him with pain in my eyes.
"Pati ba naman ikaw, Donny? Hindi ka na naniniwala sa akin? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin na naniniwala kang kaya kong saktan ang sarili mong ina?" My voice broke.
“Just leave.”
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na roon ng umiiyak. Nanlalabo ang paningin kong lumabas ng kanilang mansion. Muntikan pa akong masagasaan ng mga dumaraang sasakyan dahil pati paglalakad ay hindi ko pa maiayos.
"Audette! Halika rito!" Tumigil ako nang tawagin ako ni Ate Desiree. Binuksan niya ang kaniyang sasakyan at pinasakay ako roon. Kita sa kaniyang mukha ang awa sa akin. Nanghihina na ako dahil bukod sa sakit sa katawan, dumami pa ang bigat na nararamdaman ko.
Buong buhay ko ay hindi ko pa naranasang maliitin at husgahan ng ibang tao. Hindi ko pa narinig na binastos ako sa harapan ng masa. Hinding-hindi ko kayang gawin ang bagay na ibinibintang nila sa akin ngayon.
I didn't do that. I never accused anyone because I am afraid that if I did, I would take their lives away..
So how could they be so unfair?
I couldn't help myself but to feel betrayed by him. Siya mismo ang nagdala sa akin doon at siya rin mismo ang nagtaboy sa akin sa harap ng maraming tao. Ni hindi niya man lang ako ipinagtanggol kahit alam niyang hindi ko kayang manakit ng ibang tao lalo pa't nanay niya 'yon.
He was the first person I thought would defend me. He knows me! But I was wrong.
"Here," abot niya sa akin ng box ng tissue.
"M-Madame..." I uttered shakingly while getting the box in her hand.
"I'm sorry," aniya habang nagmamaneho.
"Ate, salamat nga pala sa pagtatanggol sa akin. Pasensya na rin kung may nasabi akong hindi maganda kay Donya Felicidad," nakayukong sabi ko at pinunasan ang mga luha.
Malalim ang pinaghuhugutan ng kanilang ina. I was accused of being a gold digger, a slut… a murderer. Hindi ko alam at maintindihan kung anong nangyari. She mentioned my uncle but I don't have one that I know. Ang mga tiyuhin ko ay nasa malalayong lugar at mundo ang pagitan mula sa amin kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya na tiyuhin ko ang pumatay sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...