Chapter 17Black
Sinimulan ko na ang pagkukwento kay Cayene at kita sa mukha niya ang pagkagulat sa mga isiniwalat ko.
"Det, maraming ibang paraan. Tutulungan na lang kita. You don't know what you're doing. I can help you find what's and who's your looking for," kung kanina ay tuwang-tuwa siya, ngayon hindi na maipinta ang mukha niya.
"It's okay, Yen. Malay mo sabihin niya na sa 'kin bukas o sa susunod na araw," sabi ko.
"Det, ang daming pwedeng mangyari sa isang relasyon. Peke man o hindi. You can't see your future, hindi ka manghuhula para malaman kung anong mangyayari sa inyong dalawa! Lalo na sa 'yo! " Aniya, kitang-kita ang pagtutol niya sa pinili kong gawin.
“Cayene, kaya ko ‘to.”
“This is fucking petty, Audette! Hindi ito tama! Paano kung mapahamak ka?”
"Don't worry, mag-iingat ako," pagpapanatag ko sa loob niya.
"Mag-iingat ka? E paano kung ibigay mo ang sarili mo sa kaniya dahil mahal mo na siya? Walang silbi ang pag-iingat kung ikaw mismo ang kakagat sa pain mo. My God, Audette! You're smart. You should do better. That's so pathetic!" She spat.
I wasn't offended when she called me pathetic. Alam ko rin naman sa sarili ko na iyon ang tawag sa akin. I still like him and through this, mapapalapit pa ako sa kaniya bukod sa matutulungan niya pa akong mahanap ang kabit ng magaling kong ama. It's like hitting two birds with one stone.
"Hindi ako kakagat sa pain dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya. Mas lalong hindi ko siya kayang mahalin. Over my dead and decaying body!" I lied. If Cayene could read what's on my mind, she would see Donny's name scattered as if they're my cells.
"Sige, sabihin mo ulit iyan sa akin kapag natapos na iyang dare kuno. Hindi ako nagkulang ng paalala sa ‘yo. I may be drunk that night. I may be jolly as what you all see but I can be dead serious, too. Do not fucking come to me and say that you regret everything you've done. I might kill that boy," I held Cayene's shoulder then tapped it.
"I promise," ani ko at itinaas pa ang hinliliit.
"Promises are meant to be broken. 'Wag kang magsalita nang tapos. You don't know what's ahead of you," seryosong tugon nito at hindi pinansin ang kamay kong handa ng maglock ng promise.
“Ano? 'Di mo na 'ko papansinin? Come on, my best friend! Kaya ko ‘to! Please, maniwala ka sa akin, Miss Intelligent,” Biro ko sa kaniya.
"Umayos ka lang, Audette," istriktang saad niya na para bang nanay ko siya.
"Opo, Ma," I teased her and she rolled her eyes.
"Anyway, have you seen your boyfriend's post?" She emphasized the word boyfriend to surely mock me.
"Hindi ko alam e, titingnan ko pa," sagot ko at tsaka inilabas ang cellphone para mag-online.
Pagbukas ko pa lang ng isa sa mga social media account ko, roon ko agad nakita ang sinasabi ni Cayene.
Pictures ko iyon kanina habang nasa Batangas kami. Mga selfies ko iyon at stolen shots. Bigla kong naalala na hindi ko pa nga pala siya friend sa Facebook. Sakto namang siya ang nag-add sa 'kin kaya ang ginawa ko na lang ay i-accept siya. I stalked him and I saw his status.
In a relationship
"Baduy ampota," bulong ko nang makita ko iyon.
I like him, yes. But that's unnecessary.
It'll take us a few weeks of acting as a couple and he doesn't need to tell everyone that he's in a relationship— in a fake one to be exact.
Pagong de Bobo 🐢:
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...