Chapter 25

900 13 8
                                    


Chapter 25

Tracker—Track her

“Hayop kayo! You disgust me! Sana hindi na lang kita naging tatay— Sige! Saktan mo pa ako hanggang sa maging manhid na ako!" Umiiyak na sigaw ko noong akma niya akong sasampalin.

"A-Audette, anak, I'm sorry," nagsusumamong sabi ni Daddy at sinusubukang hawakan ang kamay ko.

“Don't touch me! Hindi mo ako anak! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na oras na masaktan si Mommy, hindi na kita ituturing na ama? Hindi ko man siya nakikita alam kong nasasaktan na siya. Pinipilit niya lang kasi ayaw niyang mawalan ako ng ama. Nakakahiya ka, Dad! God! I can't even find the exact word to describe you at ang mga pinaggagawa mo,” I spat with full anger.

Sinong tanga ang sasaktan ka pagkatapos ay hihingi ng tawad? Nakakatawa na ganito si Daddy ngayon. Pagkatapos akong sampalin ng ilang beses, hihingi ng tawad.

"Nak—"

"Tama na, kinikilabutan na ako! Sorrys are meant for unintentional mistakes. Hindi para sa bagay na sinadya at sasabihin mong nadala ka lang ng emosyon mo. Hindi ako tanga, Dad. Hindi ako kagaya mo," bakas sa tono ng aking pananalita ang hinanakit at galit na hindi ko na makontrol.

"Anton, tara na," nilipat ko ang tingin ko kay Desiree na ngayon ay hawak-hawak ng kapatid niya. Matalim ko silang tiningnan. Isang manloloko, isang kabit, magkapatid nga talaga sila.

Hindi ko na pinansin ang tawag sa akin ni Daddy dahil naglakad na ako palayo sa kanila. Kasabay ng paglalakad ko ay siya ring paghabol ng kung sino sa akin.

“Audette, please. Let's talk,” huminto ako nang tawagin ako ni Donny.

“I hate you! I fucking hate you! You told me you love me! You told me that I matter to you the most! Donny, I trusted you!” Sinuntok ko ang dibdib nito na hindi niya man lang inilagan.

“Audette, I'm sorry,” he uttered then hugged me afterwards. Hindi ko iyon sinuklian ng kahit na ano. Ayoko siyang hawakan pabalik. Hindi ko kaya.

“Nakakainis ka! Mahal na mahal kita! Pero saan ako dinala ng walang hiyang pagmamahal ko? Inubos ako!” Humagulhol ako at hindi pinansin ang mga taong pinapanood kami.

Maybe the love I dreamed of isn't made for me. This isn't the love I prayed for. This love hurts not because it loves too much. It hurts because it lies… it just hurts.

The pain just cuts a deep hole. The knife buries its tip and twists it inside of me. My heart bleeds like wounds that cannot be stitched.

“I'm so sorry,” he said, sorrowful. I felt excruciating pain upon hearing his voice. I am in love with him and it kills me.

“This love was never meant for us, Donny. I was never meant to love you,” kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin at nagmamadaling umalis.

Hinang-hina ako nang makarating sa aking condo. Nanginginig dahil sa matinding galit at sakit.

"Kumusta ang dinner niyo— Oh my God!" Nagulat si Cayene nang makita niya akong umiiyak at madungis.

“Cayene,” I sobbed, then ran into her arms. The forlorn crushes my strongest muscle into dust-like pieces.

‘“What happened?” Aniya habang nakayakap ako sa kaniya.

"Yen, kilala ko na," sabi ko habang yakap-yakap ko siya.

"Sino?" Tanong niya muli sa akin, alam na kung ano ang tinutukoy ko.

“Ate ni Donny.”

Naramdaman kong natigilan ito sa balitang isiniwalat ko.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon