Chapter 1Jogging
"Saan ka galing, Det?" Tanong ni CJ nang makabalik na ako galing sa pila.
"Wala, pinulot ko lang itong panyo ko, nahulog ko kasi kanina," pagsisinungaling ko. Hindi naman na siya nag-usisa kaya umorder na lang kami. Pabalik na kami sa lamesa namin nang mahagip ng paningin ko ang lamesa ng Voltes V.
Kita sa mata ng leader nila ang galit at iyong mga alagad niya ay tinawanan si Lucas dahil namula ang parte ng braso niya na hinampas ko. Bakat na bakat doon ang kamay at daliri ko. Nakalolokong ngiti ang iginawad ko sa kaniya. If only they had minded their own businesses, hindi sana mangyayari ‘yon.
Isang lamesa lang ang pagitan namin at bakante pa ito kaya kitang-kita sila. May ibinulong si chihuahua sa mga alagad niya at tumango-tango ang mga ito. Mayamaya pa ay tumayo ito at naglakad papunta sa gawi namin. Iniwas ko ang tingin ko at nagbukas ng topic para sa 'ming magkakaibigan.
"So, may gagawin ba kayo after class?" Tanong ko sa kanila.
"Yeah, babalik kasi kami sa probinsya tutal ay weekends," ani CJ. Tumango-tango lang ako at sumimsim sa aking inumin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko na ang mga pares ng sapatos na naglalakbay papunta sa pwesto namin.
"Uhm, hello. Pwede ba kayong makausap?"
Pamilyar ang boses na iyon. Jusko, sana hindi gulo ang ipinunta nito rito.
"Okay, for what reason, Donny?" Tanong ni DJ pabalik sa kaniya.
"Hinampas kasi niyang babaeng kasama niyo ang kaibigan ko," matigas na sabi niya at tumingin sa akin. Hindi ako nagpatalo at matalim ko rin siyang tiningnan.
“Totoo ba, Audette?” tanong ni Cayene sa akin.
"I did it. Kung hindi naman kasi abnormal iyang kaibigan mo na kalabit nang kalabit sa akin sa pila kanina, e ‘di sana wala siyang hampas galing sa akin. It's not my fault though," bawat salitang binibigkas ko ay may diin. I don't care if he's older than me, wala naman sa tanda ang manners.
"Hindi naman tama iyon, miss!" Sigaw niya sa akin at kumuyom ang mga kamao ko. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Pakihanap ng paki ko, please? How dare you shout at me like that?! I don't fucking care if he got hurt. Bakit ka ba nakikialam, ha? If you want to help him, then go! Hindi iyong lalapit ka rito at magsusumbong! So immature!" Bulyaw ko sa kaniya dahil hindi na ako nakapagpigil pa. Halos pumutok ang ugat ko sa ulo sa inis ko sa lalaking ito.
Normal kaya sa mga tao rito na ganito ang ugali? Kahit siguro ang tahimik at pinakamabait ay magpapaulan ng mura kung ito ang makakasalamuha.
Hinawakan na ako ni Cayene at tiningnan na rin ako nila CJ.
“Leave, Donny. It's your friend's fault, I saw what he did. Nananahimik si Audette sa pila at kayo ang unang nakialam,” seryosong saad ni DJ at walang nagawa si Donny kundi ang umalis. Halata sa kaniya ang galit dahil sa pagkapahiya. Nagtinginan ang mga estudyante sa amin at nagbulong-bulungan.
"Hoy mga chismoso't chismosa! Anong tinitingin-tingin niyo?!" Sigaw ni Cayene sa mga estudyanteng nakikiusyoso.
“Ugaling squatter, ew,” anang isang dalaga.
“Talaga! Gusto mo masampulan?!” Itinaas pa ni Cayene ang manggas ng kaniyang blusa na nagpapakita ng paghahamon nito ng away.
“Whatever, let's go,” said the girl, then rolled her eyes at Cayene.
“Pairap-irap pang nalalaman, pangit naman. Akala niya maliligtas siya ng pag-irap niya ‘pag sinampulan ko talaga siya ng sinasabi niyang ugaling squatter. Judgemental masiyado, tulak ko pa siya sa septic tank diyan,” nakakrus pa ang mga brasong wika ng matalik kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...