Chapter 31

1K 17 2
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONGS THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Songs: 628 by Europe and Karisma, Together in Electric Dreams by Giorgio Moroder and Philip Oakey, Boys do fall in love by Robin Gibb

Chapter 31

Tie

“Yes?” he replied.

“A-Anong ginagawa mo dito?” Hindi ako makatingin nang diretso. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari lalo pa't ang lapit na nila ni Amaya.

“Working,” kaswal nitong sagot habang tinitingnan sa papel kung kumpleto ang mga dala nila.

Bakit siya narito? Hindi ko naman ito inimbita! Ano ba ‘to? Ang yaman-yaman nito tapos magiging crew ngayong araw pa talaga?

"Good afternoon, Madame Santisismo. Mag-aayos na po kami," tsaka lang ako bumalik sa huwisyo nang kausapin ako ng trabahante.

"Sure," sabi ko at pinadaan na sila dahil buhat-buhat nila iyong buffet set.

Nakakatawa nang mapansin ko ang damit nito. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya at nakasuot siya ng pink long sleeves at black pants. Tingnan mo nga, sumakto pa sa tema ng kaarawan ni Amaya ang kaniyang suot.

"Mama!" Rinig kong pagtawag sa akin ni Amaya kaya napabaling agad ako sa kaniya.

"Yes, baby?" Tanong ko at lumapit na sa kaniya para hindi niya makita kung sino ang nasa likuran ko.

"Mama, I'm ready na po— Kuya Pogi!" Napapikit ako nang mariin nang makita niya talaga kung sino ang tinatakpan ko. Lumapit pa ito at yumakap sa kaniyang ama.

"Happy birthday," he greeted our daughter.

"Thank you po, Kuya Pogi," nakangiting sagot ng anak namin.

Yumuko nang bahagya si Donny bago nagtanong. “How old are you now, little girl?”

"I'm six years old na po, Kuya Pogi!" Donny snapped at me. Nangunguwestiyon na ang mga tingin nito na tila may naiisip. Sa kadahilanang ayaw kong maungkat kung ano man ang mauungkat, pinalitan ko ang paksa ng diskusyon.

“Amaya, are your giveaways ready for later? Your friends our coming,” pag-iba ko na usapan.

“Opo, Mama ko. Kuya Pogi, stay here and celebrate with us po. It's my birthday,” she giggled.

He was hesitant. Lumingon ito sa akin na tila naghahanap ng sagot. Maybe he's asking if he could do that, well, he can. Kung ito ang request ng anak ko, pagbibigyan ko naman. I don't want to ruin this day… her day.

"You can join us, tutal nandito ka na rin naman na," agap ko.

"I have to do something," aniya sabay tingin sa relo.

Something? Baka may date sila ng girlfriend niya? Damn. Stop thinking about his shits, Audette. It's your daughter's birthday!

“May date ka pa yata, sige na.”

Tama ‘yan para marinig ng anak mo na inuuna mo ang ibang babae kaysa sa sarili mong anak.

“Actually, I don't have a date. Trabaho ang aasikasuhin ko, Audette,” may bahid ng inis ang kaniyang naging sagot. Na-offend ba siya sa sinabi ko? Ano namang nakaka-offend do’n?

"Okay, sige na. Ako na ang magpapaliwanag sa anak—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Amaya.

"Kuya Pogi, please po magstay ka na. It's my birthday," she looked at him like a puppy blinking cutely.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon