Chapter 26News
“How did you get a tracker? How did you put it? Since when, Cayene?!” Tanong ko habang nag-aayos.
“I'll tell it some other time, Audette. Kailangan nating puntahan ang Mommy mo, that's what matters to us right now,” she nonchalantly replied.
"Dalian mo!" Sabi ko habang kinakapa ang bulsa ng aking pantalon, hinahanap kung may nadala man lang ba akong pera.
"I'm doing the best that I could," si Cayene habang abala pa rin sa cellphone niya.
“Ano bang binabalak ni Mommy kasi?!”
“Hindi pa ako nakakaligo,” reklamo niya.
Wala na kaming oras maligo at basta na lang umalis sa bahay dahil sa pagmamadali.
"Audette, look," pinakita niya sa akin ang telepono niya at nakalive roon ang pagmamakaawa ni mommy kay Donya Felicidad na makita si Desiree.
"Pumara ka na agad ng taxi! May kukunin lang ako. Naiwan ko iyong susi ng condo," tumango na siya at bumaba nang mabilis. Kinuha ko iyong susi ng condo at napansin ko roon ang susi ng sasakyan na ginagamit ni mommy.
"Cayene, iniwan ni Mommy iyong sasakyan niya. Paanong nalagyan mo ng tracker iyong sinasabi mong sasakyan na gamit niya?" Puno ng pagtatakang tanong ko.
"I saw her using another car. Hindi iyang madalas mong makita," sagot niya. Wala na akong pakialam kung ilan ang kotseng tinatago ni mommy basta mapuntahan ko lang agad siya ngayon.
"Kuya, pakibilisan ho!" Pakiusap ko pagkaupo ko pa lang sa loob ng taxi.
"Kalma, Audette," si Cayene na pilit akong pinapakalma.
"Kuya ano pong problema?" Tanong ko nang huminto any sasakyan sa kalagitnaan ng pagtakbo nito.
"Ma'am, pasensya na po. Naflat po iyong gulong," kamot-ulong sagot niya at lumabas.
"Matagal pa po ba iyan?"
"Naku, ma'am. Malayo pa po iyong vulcanizing shop," lumabas na agad ako at dumukot ng pambayad.
"Salamat po. Tara na, Yen," wika ko pagkaabot ng bayad sa drayber.
"Baks! Nasa gitna tayo ng highway!" Hindi ko na siya pinansin at naghintay ng masasakyan sa kabila ng matutuling mga sasakyan.
“Audette, balak mo bang magpakamatay?! Snap out of it!” Naiinis na saad ni Cayene matapos akong businahan ng kotseng dumaan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumaan din ang kotse ni Felix.
"Where are you going?" Tanong nito pagkababa niya ng salamin.
"Pupunta kami sa mansion ng mga Chua," sagot ko.
"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong niya habang nakapatong ang siko sa puwang mula sa ibinaba niyang bintana ng kaniyang kotse.
“May kailangan lang gawin. Emergency,” tugon ni Cayene.
“Isasabay mo ba kami o hindi?” Iritadong tanong ko at tumango na siya.
“Sorry about that,” paghingi ni Cayene ng paumanhin sa naging akto ko.
"Sakay na," sumakay na agad ako sa front seat at si Cayene sa back seat. Pinaharurot niya na iyong sasakyan at hindi na siya nang-usisa kung anong gagawin namin sa mansyon ng mga Chua.
Pagpasok sa village ay nakaramdam na naman ako ng matinding kaba. Mas tumindi nang palapit na kami nang palapit sa pamilyar na gate. Bumaba agad ako at naabutan ko si mommy na nasa labas.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...