Chapter 36Drag
Tears pooled down my eyes. This was my dream— to live in this house with the people I love the most. Seeing them happy makes me feel that I am the most blessed person in the world. It has always been my dream.
"Mama, ang ganda po!" Amaya giggled as she roamed around the house, especially her room.
"Yeah," sagot ko at inililibot pa ang tingin sa buong bahay.
"Papa, can we swim?" Tanong niya sa kaniyang ama habang nakaturo sa swimming pool sa labas.
"Okay, but we'll do that later. Kakain muna tayo."
Yumakap si Amaya sa kaniya. “Yehey! You're the best, Papa!”
"Ikaw lang ba mag-isa rito?" Ako naman ang nagtanong.
"Yeah," he answered.
"Where's Damon? And your Ate Desiree?" Pahina nang pahina ang boses ko sa pagbanggit ng huling pangalan.
"Ate is in our mansion, kasama si Mama."
“She lives there?”
“She does— for the meantime. She has her own place but often sleeps in our mansion to accompany Mama.”
"How about Damon? Where is he? Hindi ba siya umuuwi sa bahay niyo?"
"He's living in his house. He's pretty busy with his businesses… and therapy. Hindi na siya madalas nakakauwi at bumukod na pagka-graduate pa lang noon," tumingin siya sa akin na para bang naiinis.
"May girlfriend na siya?"
"Why are you asking about him?" Ang salitang parang naiinis ay tuluyan na talagang nauwi sa ganoon.
"I'm just curious, you know? Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Tsaka, may pinagsamahan din naman kami, lalo na sila ni uhm… Cayene," I replied.
Biglang pumasok iyon sa aking isipan.
Ayos na kaya sila? Ayos pa kaya sila?
Ang huling balita ko ay hindi na silang dalawa. Sinabi sa akin ni Cayene na wala na sila at wala man lang kahit na anong paunang salita.
Basta niya na lang akong niyakap at ibinalita na break na sila. Hindi niya naikwento ang dahilan ng hiwalayan. Hindi ko na rin iyon tinanong dahil ayaw kong panghimasukan ang relasyon nila. I never heard Damon's side either, that's why I do not want to invade what happened between the two of them.“Baliw pa rin ‘yon sa darling niya. Huwag ka ng umasa ro’n," he rolled his eyes that made me laugh.
"Bakit naman ako aasa? Wala naman akong gusto sa kaniya. Ang issue mo, ha!" Asik ko.
"If you say so," he said then shrugged his shoulders.
“Don't tell me pinagseselosan mo si Damon na kapatid mo, Don?” Histerikal kong wika at sinipat pa ang kaniyang reaksyon. Umiwas ito ng tingin at hindi sumagot.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso. “Nagseselos ka talaga kay Damon? Oh my God! He's not my type! Ex siya ni Cayene!”
“Uh-huh. Dapat lang, Audette. Ayaw kong mapatay ang kapatid ko,” nanliliit ang mga matang aniya na tinugunan ko lamang ng hagikhik.
Nagpahinga lamang ako sandali at tsaka naghanda para makapagluto na. Dumiretso ako sa kusina habang ang mag-ama ko nanonood ng Tangled sa sala. Hindi naman kalayuan ang kusina at naririnig ko rin ang tunog ng pinapanood nila maging ang kanilang mga boses.
Kinuha ko ang kaserola at binanlawan muna iyon. Nasa ganoong sitwasyon ako nang may maramdaman akong dumating. Nilingon ko ito at naabutan si Donny na basta na lamang sumulpot.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...