Chapter 9

950 14 0
                                    


Chapter 9

Laguna's Heartache

"Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong ko sa sarili ko nang humarap ako salamin na nangangamatis ang mga pisngi. Malakas pa rin ang pintig ng puso ko tuwing makikita ko siya. Hindi ito tama at mukhang alam ko na ang patutunguhan nito. Ganito kasi ang eksena sa mga palabas at libro. Kinalma ko muna ang aking sarili at sinikap na matulog na dahil maaga pa kami bukas.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng mga nag-uusap.

"Good morning, señorita!" Sigaw ni Cayene at tumalon pa sa kama ko. Agad naman akong napatianod nang gawin niya iyon.

"Ano ba? Ang aga-aga niyo naman dito!" Reklamo ko at tamad na humarap sa salamin. Ni hindi na ako nakapagpalit man lang ng damit kagabi.

"Let's go! Pupunta tayong enchanted kingdom," tuwang-tuwang sabi ni CJ. Silang dalawa lang ang narito sa suite ko at hindi ko alam kung paano sila nakapasok dito.

"Paano kayo nakapasok dito?" Tanong ko bago pumasok sa walk-in closet at namili ng isusuot ko.

"Tito," sabay na sagot nila at tumango na lang ako.

May duplicate si Daddy ng card ng kwarto ko at alam kong pinasadya niya na magkaroon ng 'yon. For emergency purposes daw pero gagamitin lang pala ng mga kaibigan ko para bulabugin ako ngayong umaga.

Pinili ko na lang ang isang kulay green na hanging shirt at black jeans. Nakasuot din ako ng itim na sumbrero para hindi mainitan nang husto ang aking mukha lalo pa't wala na akong balak pang magdala ng payong. Rides lang din naman ang ipupunta namin doon at hindi ako pwedeng mag-dress.

"Ganiyan na isusuot mo?" Tanong ni Cayene na nakasuot ng ternong shirt at pants.

"Oo, bakit ano ba dapat ang isuot ko? Ball gown? Wedding down? Heels?" Sarkastikong sagot ko.

"Bakit ba ang sungit mo? PMS?" Ani CJ.

"Wala lang, trip ko lang magsungit," sagot ko at nagspray na ng pabango. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang dapat na dalhin. Sabi nila, nasa resto na raw silang lahat at ako na lang ang narito kaya naman dumiretso kami sa baba para kumain.

"Breakfast buffet," Masayang sabi ko at inunahan na sila. Kumuha ako ng plato ko at naglagay ng bacon, rice, tocino, and ham. Kumuha pa ako ng fruit juice bilang inumin.

"Doon tayo," turo ni CJ sa upuan ng mga kapatid niya. Roon kami dumiretso at naging katapat ko si Ate BJ.

"Hello, Atee, Hi Kuya," Bati ko sa kanila.

"Good morning! Oh gosh! We're so excited for this trip," Masiglang saad ni ate BJ.

Nagsimula na akong kumain katulad nila. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga naging lessons at nagkumustahan.

"Gutom pa ako," sabi ni EJ at nagkatinginan kaming lahat.

"Dessert!" Hiyaw naming lahat at nagtawanan. Sabay-sabay kaming tumayo at nagpunta sa pastry section para kumuha ng dessert. Iyong malalaking plato ang kinuha namin. Kumuha ako ng slice ng cake, brownies, donut, at churros. Hindi ako sigurado kung mauubos ko iyon pero hindi naman problema dahil alam kong may uubos ng mga iyon doon sa lamesa namin.

"Grabe, diabetes abot natin dito," Tatawa-tawang ani DJ.

Pagkatapos naming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain tsaka kami sumakay kami sa van nila CJ. Doon daw kaming teens para mas maenjoy ang trip. Hindi ko naman alam na narito rin sina Donny at Damon.

"Bro!" Bati ni Kuya AJ kay Donny.

Magkakilala sila?

"Yow!" Nagtapikan pa sila ng braso at nagtabi pa sa upuan. Tiningnan ko si CJ at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong itanong.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon