Epilogue

1.1K 17 12
                                    


Epilogue

Fathom

“Audette is Anton's daughter, he was Eunice and I's colleague back then. I'm sure you will all be friends,” Mama explained as she roamed her eyes around the garden.

“Just because you're friends doesn't mean that we should be too,” I let out a sigh. “Ma, she's younger. I know what you're thinking,” I replied, fully aware of what she's trying to imply.

She grimaced and looked at me. “What do you mean? There's nothing wrong with being friends with my friends’ children. Kaibigan niyo nga si Cayene so there won't be any problem with Audette.”

“Is she nice?” I curiously asked.

“She is. I'm pretty sure she is as prim and proper as I was,” she winked like it was some sort of reminiscing of the past.

Just like what Mama said, I decided to befriend her for the sake of our parents’ friendship.

Maldita.

Napakamaldita niya. Iyon ang masasabi ko sa unang beses ko siyang makilala. She was far from prim and proper! She's a dragon! A wild one! The one who looks angelic but hides a freaking demon! 

"Voltes V. Mawalang galang na pero umalis na kayo," mariin niyang sinabi. Magsasalita na sana ako nang tawagin ako ng aking mga kasama.

She called us Teletubbies, and now Voltes V. Hindi talaga kami magiging magkaibigan nitong tao na ito. Nakakapika siya! Alam kong sasabihin ng iba na ‘wag ko ng patulan dahil babae pero nakakainis! Kuhang-kuha niya ang inis sa kasulok-sulukan ng katawan ko!

"Shet! I like her! Matapang at maldita!" Sabi ni Felix, tumatango-tango pa na animo'y nanalo sa raffle.

"Feel ko bagay kami ni Aileen," sabi ni Sean.

“Sinong Aileen? Audette pangalan niya, tanga! Bobo nito! Saang lupalop ka ba galing? May ubo siguro ‘to sa utak!” Si Lucas na binatukan pa si Sean.

"Napakatarantado niyo talaga. Pati babae pinag-aagawan niyo. Kay Kuya Donny na ‘yon," asik ni Damon.

"Shut the fuck up!" Sigaw ko.

"Cool, bro! We're just kidding. Kalmahan mo lang. Alam naman naming hindi mo type ‘yong mga mas bata sa ‘yo. Himas-rehas ka talaga niyan ‘pag nagkataon," si Lucas— ang matalik kong kaibigan na inakbayan pa ako.

"Pero grabe, kuya. 'Yon ba iyong sinasabi ni Mama? Baka ibang tao, ah?" Puno ng pagtatakang tanong ni Damon.

"Siya 'yon, gago!" Si Sean at inihampas sa mukha ni Damon ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng babae pati na ang larawan nito. Nag-abala pa si Mama na magprint ng iyon at mukha tuloy kaming naghahanap ng nawawalang tao.

"Bakit sabi ni Mama mabait daw iyon at mahinhin? Eh, parang barumbado nga kung titingan mo nang malapitan! Ano pa 'pag nakausap mo!" Dagdag pa ng kapatid ko at nagtawanan sila.

"Mama, I don't like that girl," Giit ko pagkarating pa lamang sa bahay.

“What is going on?” Papa asked as he removed his neck tie. Tiyak akong kagagaling lang nito sa opisina.

“May nagkacrush daw kay kuya, Pa!” Pang-aasar ni Damon matapos magmano sa aming ama.

Papa laughed. “You got another one, Mr. Magnet?”

“Tirador talaga ‘yan si kuya, Papa! Pagkatapos niya, ako naman siyempre. Si Ate Dee hindi malapitan ng boys kasi baka masapak niya!” dagdag pa ng kapatid ko tsaka naupo sa tabi ng aming ama.

“Hoy, Damon! Anong pinagsasabi mo?” Maingay na entrada ng aming panganay na kapatid na kararating lamang.

Mabilis pa sa alas kwatrong umalis si Damon sa tabi ni Papa nang makitang may dalang pagkain si ate. “Wala, ate! Sabi ko, lahat ng lalaki may gusto sa ‘yo kasi mabait ka, maganda, matalino, best ate in the world pa.”

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon