Chapter 33

1.1K 14 1
                                    


Chapter 33

That's when

“Nasaan po kayo?” natatakot na tanong ko kay mommy.

“Nasa ospital. Ite-text ko sa iyo ang address.”

"Papunta na po ako riyan," naiiyak na sabi ko.

Si Donny ay hindi rin mapakali, aligaga rin ito at hindi malaman ang gagawin.

"Ihahatid kita, halika na," hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe ay tinawagan ko ang mga kasama ko sa club para ipaalam ang nangyari kay Amaya. Labis ang takot ko at iyak nang malaman na aksidente itong nahulog  sa hagdanan at wala pa ring malay.

The moment my phone rang, may hindi maganda agad akong naramdaman. Pakiramdam ko ay may masamang balita akong matatanggap at tama nga dahil hindi maganda ang kalagayan ng anak ko. Ang kutob ng isang ina ay hindi kailanman nagkakamali. Hindi ko lang inaasahan na ganoon pala ang magiging kalagayan ng anak namin.

"Miss, room of Amaya Santisismo, please?" Tanong ko agad sa tao na naroon sa front desk nang makarating kami sa ospital na sinabi ng aking ina. Mabilis siyang nagtipa sa keyboard at hinanap ang pangalan ni Amaya sa listahan ng mga pasyente.

“Nasa emergency room pa rin po, ma'am.”

Pagkasabi niya ay tumakbo na ako para mapuntahan ang kinaroroonan ng anak. Kasabay ko sa pagtakbo si Donny. Katulad ko ay nag-aalala rin siya kay Amaya.

Pagdating ko pa lang sa labas ng E.R. ay naabutan kong umiiyak si mommy.

"My, ano pong nangyari?" Tanong ko at sinilip si Amaya sa pamamagitan ng salamin sa may pinto.

"Nagpaalam kasi siyang bumaba muna para tingnan kung nakauwi ka na. Tapos namali siya yata ng hakbang kaya nahulog. Hindi ka namin agad na tawagan kasi itinakbo namin siya agad dito dahil nawalan siya ng malay," nanginginig akong napaupo sa upuan at hinihintay na lumabas ang doktor.

Mahigit dalawang oras kaming naghihintay sa labas. Hindi rin umalis si Donny at piniling samahan ako.

"Doc, kumusta po ang anak ko?" Sinalubong ko agad ang doktor para magtanong pagkalabas nito.

"She's still unconscious, maraming dugo ang nawala dahil nakita naming may dumaplis na bakal sa bandang likuran niya kaya nawalan siya ng malay bukod sa pagkakatama ng kaniyang ulo. Her skull is still intact and we found no blood clot in her brain. However, her brain is a bit swollen so there is a possibility of temporary memory loss.”

Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa nang marinig kong maaaring mawala ang memorya niya. Ito na ang kinatatakutan ko at ng lahat ng ina, ang malagay sa panganib ang anak.

“Doc, may chance rin po bang hindi mawala ang memorya niya? And how long will it last for her to gain her memory back?” dagdag ni Donny.

"It depends… but her memory loss might last for a few days, weeks, or even months. Ang maipapayo ko lamang ngayon ay ipagdasal ninyo ang bata na huwag lumala ang kaniyang head injury because some cases results in permanent loss of memory. Your daughter is being monitored thoroughly. Kung may mapansin man kayong kakaiba sa bata ay ipagbigay-alam niyo kaagad sa amin.”

“Thank you po, Doc.”

“Maiwan ko na po muna kayo,” pagkatapos ay umalis na ang doktor dahil may ibang pasyente pa raw siyang dapat asikasuhin.

Pumasok ako sa loob ng recovery room kung nasaan si Amaya. Kasama kong pumasok sina mommy at Lola habang si Donny ay nagpaiwan lang sa labas.

"Apo, kailan mo balak sabihin sa kaniya na siya ang ama ni Amaya?" Si Lola habang nakatingin kay Donny na nakasandal sa pader at napakapikit ang mga mata.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon