Chapter 11

868 15 1
                                    


Chapter 11

Guess

"Tara na, baks," pag-aya sa akin nila CJ.
Narito ako sa library dahil may tinapos akong thesis.

"Oo, wait lang!" Sabi ko at iniligpit na ang aking gamit. Lumabas na ako at inayos ang suot kong uniporme.

"Tapos mo na?" Tanong ni Cayene.

"Oo, ang hirap," Reklamo ko habang naglalakad kami rito sa hall.

"May quiz daw tayo kay Prof. Shaggy," sabi ni CJ.

"Prof. Shaggy?" Nagtataka kong saad habang naglalakad kami sa corridor.

"Oo,  Prof. Shaggy, sha-gilid lang iyong buhok," panunukso ni Cayene at nagtawanan kaming tatlo.

Habang naglalakad kami ay nakita ko ang banner kung saan may mukha ng taong ayaw ko ng makita. Halos apat na taon na rin kaming hindi nagkikita at hindi ko na rin siya nakakasalamuha.

Graduating na raw siya base sa mga naririnig ko. I'm on my first year in college as a Tourism student. Simula nang mag-iba ang schedule namin ay hindi na kami nagkikita. Binlock ko na ang numero niya at hindi na muling tiningnan ang mga social media account niya. I was petty back then. Immature and naive. Binaon ko na sa limot ang mga pinaggagawa ko noon.

Maganda iyon at aalis na siya rito sa school na ito. Nalilimatahan ko kasi ang kilos ko kahit na magkaiba ang schedule namin dahil baka makita at makasalubong ko siya. Kinalimutan ko na ang lahat sa kaniya at tanging paghanga lang naman ang naramdaman ko para sa kaniya noon. Masyado pa akong bata ng mga panahong iyon at walang alam sa totoong nararamdaman.

"Baks! Tingnan mo, oh!" Mukhang napansin din nila iyon at itinuro pa sa akin.

“Nakita ko na. Tara na, baka malate tayo,” wika ko.

Nagpunta na kami sa room dahil sa guidance ang bagsak namin o talagang bagsak ang grado namin. It's hard maintaining straight uno these past few days. Pakiramdam ko ay nauupos na ako na parang kandila.

"Terror," bulong ni Cayene sa akin at itinuro ang pintuan.

"Good morning, students," matigas na ingles ng propesora.

"Good morning, Miss," Bati namin sa kaniya.

Our professor began asking without anything. Sanay na rin kami sa kaniya dahil siya ang pinakaterror sa lahat. I expected it so I wasn't really shocked.

"Santisismo, tayo!" aniya at tumayo naman agad ako.

"Tell me about South Korean Characteristics," utos niya.

"Koreans are known to be very hardworking or workaholic like their Chinese and Japanese cousins. Sometimes, after dinner they go back to the office to work some more or finish the unfinished job. Basically, they are warm and friendly people, especially among themselves. They are quick to laugh, spontaneous, earthly, and talkative. Additionally, just like us Filipinos, they are also hospitable,” I explained.

"Very good! Now, Bautista, tayo!" Tiningnan ko naman si Cayene at parang nag-aalangan pa itong tumayo.

"Facts and Figures of South Korea," tumingin pa sa akin si Cayene at halata sa mukha niya ang kaba. Tinanguan ko lang siya para sabihing kaya niya iyon.

"The people of Korea have around 5,000 years of history and civilization behind them. For many centuries, this beautiful country was closed to foreigners and its countrymen were forbidden to travel. That's why they called it the Hermit Kingdom, but when it opened up to the outside world, it is now called the Land of Morning Calm due to its picturesque scenery," sagot ni Cayene.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon